Raqi Terra at libu-libong runners, nakisaya sa McDo Stripes Run 2022
January 10, 2023
Matapos ang tatlong taon, muling inimbitahan ng McDonald’s ang mga bata, matatanda, pamilya at barkada na magsama-sama at tumakbo sa McDonald’s Stripes Run noong December 18.
Hindi pinalampas ni Raqi Terra ang pagkakataong masaksihan ang pagtitipong ito sa McKinley West Open Parking, Taguig City. Maliban kasi sa pagkakataong maka-bonding ang pamilya at barkada, ang pagtakbo ay katumbas ng pagsuporta sa Ronald McDonald House Charities (RHMC) at sa Read to Learn program nito.
Siniguro ng McDonald’s na makasasali ang lahat sa isang ultimate bonding experience. Para sa taong ito, nahati sa pitong race categories ang nasa 3, 800 Stripes Runners: Kiddie Stripes (8 years old and below), Young Stripes (15 years and below), 3K Stripes, 5K Stripes, 10K Stripes (16 years and up), Family Stripes, at 5K Squad Stripes.
Hindi pa man nagsisimula ang kanilang karera ay panalong-panalo na ang race participants sa race kit na naglalaman ng Stripes Run race and shirt, race bib, race map, Sausage McMuffin Regular Coffee, at Finisher’s Token.
Maliban sa pagtakbo, nag-enjoy din ang runners sa Zumba, post-run dance workout, iba’t-ibang interactive booths kung saan maaaring manalo ng prizes, at raffle draw. Alamin kung ano ang napanalunan ni Raqi Terra rito!
Mula noong 2009, ang McDonald’s ay nakatuon sa adbokasiya nito sa pagpapabuti ng children’s literacy. Sa pamamagitan ng 11th Stripes Run ngayong taon, ipinagkaloob ng McDonald’s ang Php 1,000,000 sa Read to Learn program ng Ronald McDonald House Charities (RHMC).
Nagpakita rin ng suporta ang ilang mga kilalang personalidad tulad ng Agoncillo Family, Jackielou Blanco, Ysabel Ortega, at Alden Richards.
Sa kabuuan, naniniwala ang pamunuan ng McDonald’s na naging matagumpay ang pagbabalik ng sikat na fun run. “We were very happy to see the turnout for today’s run. We didn’t expect it to be this much so it just goes to show that people are really excited as friends and family and just have fun and run together,” sabi ni Meryl Adiel Hernandez, Corporate Relations Director.
Dahil dito, mas mabibigyan ang mas maraming estudyante ng pagkakataong makamit ang basic reading skills na kakailanganin nila sa pagbuo ng kanilang educational foundation.
Kaya sa mga Kabisyo naming nakitakbo at nakisaya sa McDo Stripes Run, maraming salamat at pagbati mula sa 90.7 Love Radio!
COMMENTS