6th HERO Golf Cup, idinaos para sa kapakanan ng military orphans
March 9, 2023
Nagbalik ang Charity Golf Tournament ng Help, Educate, and Rear Orphans o HERO Foundation, Inc. matapos matigil ng dalawang taon dahil sa COVID-19.
Matagumpay na idinaos ang 6th HERO Golf Cup sa Camp Aguinaldo Golf Course sa Quezon City. Dinaluhan ito ng HERO Ambassadors na sina G. Matteo Guidicelli at G. Brian Poe Llamanzares (Chief of Staff ni Sen. Grace Poe), HERO Foundation Executive Director MGen Victor Bayani AFP (Ret.), kasama ang mga kinatawan mula sa AFP Deputy Chief of Staff for Personnel, J1; MGen Jose Maria R. Cuerpo II PA at AFPEBSO Chief Capt. Ariel S. Palisoc PN (GSC).
Ayon kay Hero Foundation Executive Director Victor Bayani, layunin ng 6th HERO Golf Cup na tulungan ang mga kaanak ng mga sundalong nasawi o lubhang nasugatan habang nasa serbisyo.
Itinatag noong 1988, ang HERO Foundation, Inc., ang pinakamalaking partner ng Armed Forces of the Philippines na nakatuon sa pagtulong sa mga naulila ng mga sundalong Pilipino na makapagtapos ng pag-aaral upang maging mga breadwinner ng kanilang pamilya. Sa kasalukuyan, ang HERO Foundation, Inc. ay sumusuporta sa 262 scholars sa buong bansa at nakatulong sa kabuuang 2,733 scholars mula nang magsimula ito. Karamihan sa military orphans na kanilang sinusuportahan ay nasa Mindanao na may 45%, habang ang iba ay nasa Luzon na may 37%, Visayas na may 11%, at National Capital Region na may 7%.
Sa mga Kabisyo naming sumagot sa panawagang “Be a HERO to our HEROES’ children,” kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong #FeelGood na pagmamahal at suporta sa 6th HERO Golf Cup.
COMMENTS