Nicole Hyala, may ipinasilip na parte ng katawan
August 11, 2023
Kung akala niyong mature na si Nicole Hyala sa mga role niya, puwes, magiging immature na siya. ’Chos!
Hindi pa masyadong nagtatagal, pero kita na agad ang bunga ng OMAD paandar ng Reyna ng Radyo. Kung hindi niyo alam kung ano ang OMAD, i-search niyo na lang.
Anyway, heto na nga at malakas na ang loob niyang magpasilip ng tiyan! Porket dalawa na ang anak ni Nicole Hyala, akala niyo pangit ang tiyan niya? Puwes, maputi pa ’yan sa kinabukasan niyo at may nagbabadyang abs pa!
@dj_nicolehyala CONGA! #djnicolehyala #ootd ♬ original sound – Nicole Hyala
Kaya ikaw, ’wag kang mawalan ng pag-asang mag-Oplan: Balik Andog. Tingnan niyo na lang ’tong Reyna ng Radyo. Sulit ang pangangatog at pagtotopak niya noong una, pero tulad ng iba, consistency is the key. Oh, sorry! May baon kaming English!
Kung kami kay Tanya Chinita, kakapitan na naming mabuti ang titulong hot na hot na Tita kasi mukhang malapit na siyang ma-dethrone ni Nicole Hyala! Eme!
Related Content
-
Senior High School graduate, nagdala ng sariling medal sa graduation ceremony
August 15, 2023
-
Diego Bandido, pinagselosan ni Luis Manzano?!
August 14, 2023
-
Top Secrets ni Raqi Terra na mababasa mo sa librong Raqi’s Secret Files
August 11, 2023
Comments