Handang isakripisyo ang lahat – Byaheng ‘Di na kita Mahal ni Selene

August 3, 2023

 

Ang byahe sender nating si Selene ay isang taong nagpalaya at nagparaya dahil sakaniyang pagmamahal.

Ito ang mga katagang masakit man sabihin pero binaggit niya pa rin.

Di na kita mahal, yan ang sabi ni Selene para iwanan siya. Mga katagang sinabi lamang para unahin ang mga pangarap. Mga katagang symbolo ang walang hanggang pagmamahal.

Handa si Selene tiisin ang lahat, kahit masaktan ng paulit-ulit para sa naghahantay na magandang kinabukasan para sa kaniyang minamahal. 

Ang tanging hangad lamang ni Selene ay huwag maging makasarili, kahit gustuhin man sabihin ni Selene na magsama sila kahit sa anong hirap ng buhay ay hindi niya magagawa.

Di na kita mahal, yan ang sinabi ni Selene na kasinungalingan na kaya niyang panindigan.

Dahil kapalit nito ay matagumpay na buhay para sa kaniyangh minamahal.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.