Kaka-K-Drama ‘Ko ‘To – Byaheng Detached ni Audrey (July 27, 2023)

July 27, 2023

 

Ang byahe sender nating si Audrey ay pakiramdam niya siya ay detached sa realidad kakanuod niya ng mga Koreanovela o mas kilala sa tawag na ”K-Drama.”

Halos buong araw nanonood ng K-Drama si Audrey at dahil sa malaking oras na binibigay niya para makanood, madalas naiinsecure ang ating byahe sender sa itsura niya.

Gusto ni Aubrey maging kamukha ang kaniyang iniidolong artista sa K-Drama, at marahil makikilala niya na ang ‘oppa’ ng kaniyang buhay. Naging dahilan rin ito ng alitan nila ng kaniyang ex boyfriend dahil kinukumpara ni Aubrey ito sa mga artista sa K-Drama at ito ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Gusto lamang ng ating byahe sender na magkaroon ng buhay ng kagaya sa mga napapanuod natin. Marahil nga’y mas kilala ng ating byahe sender na si Aubrey ang mga K-Drama character kumpara sa mga tao sa paligid niya.

Tunghayan ang kwento ni Len dito kasama si DJ Lala Banderas.

Share your comments here or be a Byahe Sender! I-send lamang ang inyong kwento sa Byahe Textline: 09178514329. Pakikinggan ka namin, Kabisyo.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.