Nag-E-Exist Pala ang Ganito – Byaheng Keeper ni Alexa

August 8, 2023

 

Ang laging katanungan ng ating Byahe sender na si Alexa ay ang mga katagang ito, “Deserve ko ba ang pagmamahal na ganito?” 

Deserve nga ba ng ating Byahe sender na si Alexa ang lalaking kayang kunin ang kahit sinong gusto niya ngunit siya pa din ang pinili? ‘Yung lalaking mahal siya at loyal sa kaniya.

Ang kasintahan ng ating Byahe sender ay masasbi nating a man of few words pero sa tuwing nagsasalita siya ay palaging pagmamahal at pasasalamat ang kaniyang sinasabi. Nakakatunaw, nakakapanghina ng tuhod ika nga ng ating Byahe sender.

Sinusubukan ng ating Byahe sender na si Alexa na mapantayan ang trato sa kaniya ng kaniyang kasintahan, pero minsan talaga siya ay mapapahanga na lamang dahil ang kasintahan niya ay mamahalin siya, susuportahan siya, at higit sa lahat lalaking kaya mong iwanan at payagan kahit saan man pumunta dahil paalis pa lamang siya ay gusto nang umuwi sayo.

Minsan nga ay napatanong na rin ang Byahe sender natin na si Alexa kung anong nagawa niyang tama para mapunta sakaniya ang taong ibababa ang lahat ng ginagawa niya tuwing magkukuwento ka.

Sino ba naman may ayaw sa gantong uri ng pagmamahal? Ang tanging gusto na lamang ni Alexa ay kimkimin ang pagmaamahal na ito, kimkimin at mahalin ang kaniyang kasintahan.

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.