Physical Appearance Pala ang Basehan – Byaheng Body Shaming ni Jenny

August 9, 2023

 

Ang byahe sender nating ngayong araw ay matatawag nating malaking bulas pa lamang simula bata pa lamang siya. 

Si Jenny no’ng gradeschool pa lamang ay tinutukso na siyang mataba, kahit mismong mga kamag-anak niya ay tinutukso siyang “TABS”

No’ng highschool naman ang ating byahe sender na si Jenny ay hindi magkaroon ng crush dahil no’ng nabanggit niya ito ay pinagtripan siya sa marriage booth kasama ang crush niya, at kitang-kita sa mata ng kaniyang crush ‘yung yamot at sabay sabi ng “kasya ba tayo?”

Sa kolehiyo naman ay ‘di na nagbalak magjowa ang ating Byahe sender tanging pagaaral na lamang ang kaniyang inatupag.

No’ng nagkaroon naman ng trabaho ang ating byahe sender na si Jenny, tila ganoon pa rin ang kaniyang sinapit.

Unang araw pa lamang sa kaniyang trabaho at sinabihan agad siya ng kaniyang boss na “wow heavy weight.”

May mga araw na gusto na lang bumigay ng ating Biyahe sender na si Jenny at magpakain na lamang sa mga iniisip niya. 

Nasa road to fitness na ang ating Biyahe sender na si Jenny ngunit hindi niya pa rin maiwasan ang depression.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.