2016 MBC National Choral Competition
August 26, 2016
Inilunsad na ng Manila Broadcasting Company ang 2016 MBC National Choral Competitions sa dalawang dibisyon – Children’s Choirs at isang Open Category para sa mga mataas na paaralan, mga upisina, o iba’t-ibang ahensiya sa pampubliko at pribadong sektor. Ito ang tampok sa kanilang taunang selebrasyon ng Paskong Pinoy.
Magkakaroon ng live auditions sa Cauayan, Isabela sa ika-3 ng setyembre; sa General Santos sa ika-10 ng setyember; sa Dagupan sa ika-17 ng setyember; sa Iloilo sa ika-24 ng setyembre; Cebu sa Oktubre 1; Davao – Oktubre 8; Legazpi City – Oktubre 15; at sa Aliw Theater, Star City Complex, Pasay sa ika-22-23 ng Oktubre. Ang mga taga-lalawigang malayo sa auditionsites ay maaring mag-video audition sa pagpapadala ng DVD recording ng grupo, kasama ng application form sa Manila Broadcasting Company, Sotto Street, CCP Complex, Roxas Boulevard, Pasay City. Kailangang matanggap ito bago magi ka-14 ng oktubre.
Isandaang libong piso ang nakalaan sa magwawagi sa children’s division at siyento-singkuwenta mil naman sa kampeyon ng open category. May travel subsidy rin para sa bawa’t provincial choir na papasok sa competition proper na gaganapin sa Aliw Theater mula December 6-10, 2016.
Maaring makuha ang detalyadong contest mechanics sa official Facebook page ng MBC National Choral Competitions, o makipag-ugnayan sa email ng [email protected].
COMMENTS