6th HERO Golf Cup: Makilaro, makitulong, at makisaya
February 23, 2023
Kabisyo, iniimbitahan namin kayong maging bayani sa mga anak ng ating mga sundalo sa pamamagitan ng pagsali sa 6th HERO Golf Cup.
Ang HERO Golf Cup ay isang taunang charity golf tournament na inorganisa ng HERO (Help Educate and Rear Orphans) Foundation, Inc.
At sa kanilang ika-anim na taon, lahat ng kikitain ng tournament ay mapupunta para tulungan ang mga bata at kapatid ng mga sundalong na-incapacitate o nasawi sa enemy action o disaster relief operations.
Ang golf tournament ay gaganapin sa March 3, 2023, sa Camp Aguinaldo Golf Course. Ang bawat tiket ay nagkakahalaga ng ₱3,500 kasama ang green fee, registration fee, lunch, caddy, at raffle entry. Magsisimula ang tee off ng 6 am at matatapos ng 9 am.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin lamang ang HERO Foundation Inc. sa Facebook o tumawag sa 8912-0361 o 09156270780.
Tara na at sama-sama tayong ma-#FeelGood!
COMMENTS