AFDQ Talks with Jannarie Zarzoso – Episode 1: Women Empowerment
April 16, 2021
Si Jannarie Zarzoso, ‘yung winner sa kauna-unahang Aliwan Fiesta Digital Queen noong nakaraang taon ay naglabas ng isang video talk para makapagbahagi sa kababaihan tungkol sa pagiging ‘empowered woman.’ Nais niyang ibahagi na may malaking gampanin ang mga kababaihan sa mundo. “Women have always been a part and have a huge role in the greater scheme of things in this world.”
Nagsimula siya sa pagtanaw sa kanyang dalawang pangunahing inspirasyon: ang kanyang ina at ang kanyang lola. Sa kanilang dalawa na-realize niya na “no matter what path a woman chooses, may it be a housewife, a career woman, or a businesswoman and the likes, all paths require strength, all paths require empathy, and kindness.”
Consistent si Jannarie sa pagsasabi na ang isang empowered woman ay willing magbahagi ng sarili para sa iba. Empowered ay ‘yung “selflessly live their everyday for other people willing to be vulnerable yet strong, willing to adjust for the benefit of everyone around them.”
“You breathe and passionately do things in nurturing care because you believe that other people will be fruitful from it.” Ang nagpapasigla sa mga kababaihan ay ‘yung paglalagay ng passion sa kanilang ginagawa. Kaya daw ito buhay dahil sa paggawa nila ng kanilang best, galing sa puso, at ‘yung pagiging selfless at dahil diyan sila ay natatawag na ‘unsung heroes.’
Ang kanilang gawain at pakikibaka ay laging papunta sa mas malaking hangarin. ‘Yung kanilang sigla at nag-aalab na damdamin ay mas dapat pang paigtingin at maipagpatuloy. “Sometimes we fail to see this but the women who raised us can see everything, and they rejoice with us in our achievements, and care for us and encourage us when we experience low points in life,” ani Jannarie.
Tinapos ni Jannarie Zarzoso ang kanyang talk sa kung paano siya na-empower ng kanyang nanay at lola. Ito raw ay sa paggawa ng magigiting na bagay para sa ibang tao. “I guess part of empowering women is not all about thriving in the white-collar scene or salary-paid profession but it’s also about celebrating our ability to be kind, caring, and nurturing while we remain strong for ourselves and for others.”
Kabisyo, sana ganyan din kalalim ‘yung ating pagtanaw sa realidad ng ating buhay. Mabuhay ang mga kababaihan!
COMMENTS