Aliwan Fiesta 2023: Tatlong gabing makulay at punong-puno ng saya
July 12, 2023
Sabi nga sa isang kanta, umulan o bumagyo, ayos lang! Tuloy ang pangmalawakang fiesta! Sadya namang abala na ang kahabaan ng kalye ng CCP Complex dahil kahapon ay simula na ng unang araw ng Aliwan Fiesta. Ramdam na ramdam na ang simoy ng fiesta dito, mga Kabisyo!!
Forda shopping!
Kumpleto na ang stalls sa ating mga bazaar, mga Kabiyso! Maraming puwedeng bilhin dito sa presyong kayang-kaya mo! Nagmula rin ang mga produktong ito sa iba’t-ibang panig ng ating bansa. Mayroong iba’t-ibang klase ng pagkain, pampasalubong, accessories, bag at iba pa, kaya naman ano pang hinintay ninyo, mga Kabisyo? Huwag nang magpahuli at baka maubusan ka!
Grabe naman ang mga champions na ‘yan!
Umulan o bumagyo, tuloy tuloy ang pag-eensayo ng mga kasali sa nalalapit na Street Dance Competition. Ito ang pinakaaabangan na laban ng mga kampyeon sa darating na ika-15 ng Hulyo!
Handa na rin ang floats para sa Grand Parade!
Talaga namang handang-handa na ang lahat na ipakita ang kanilang mga ipinagmamalaking kultura at delicacy sa ating nalalapit na Grand Parade sa Sabado! Patunay lamang ito, mga Kabisyo, na napakayaman ng kultura nating mga Pilipino.
Libre lang makisaya sa Aliwan Fiesta!
Trulaloo at walang halong eklavoo! Libre ang admission ng Aliwan Fiesta! Kaya naman puwedeng-pwede mo ring isama ang mga kapitbahay, kaklase, at buong pamilya!
Ano pang hinihintay niyo, Kabisyo? Tara na sa Aliwan Fiesta para makiisa at makisaya ngayong July 13, 14 and 15!
COMMENTS