Aliwan Fiesta Digital Queen 2020, opisyal nang mag-uumpisa sa September 12
September 2, 2020
Inanunsyo na ng Manila Broadcasting Company noong Biyernes, August 28, ang siyam (9) na kandidatang pasok sa finals ng Aliwan Fiesta Digital Queen 2020.
Narito ang siyam (9) na finalists:
#1 – Jasmine Omay of Tarlac City
#2 – Bianca Wilhelmina Willemsen of Consolacion, Cebu
#3 – Jannarie Zarzoso of Cabadbaran City, Agusan del Norte
#4 – Alana Rhedey of Baguio City
#5 – Nicole Angela Crescini of Boracay, Aklan
#6 – Katrina Anne Castañeda Johnson of Davao City
#7 – Esperanza Francisco of Naga City
#8 – Sharon Idone of Iloilo City
#9 – Allyssa May Nicholls of Isulan, Sultan Kudarat
Ngayong buwan mag-uumpisa ang competition legs ng nasabing online pageant. Gaganapin ang Launch and Pride of Place sa September 12. Susundan naman ito ng Talent/Skills competition sa September 19 at Modelling and Q&A sa susunod na linggo, September 26. Sa October 3 naman kokoronahan ang kauna-unahang Aliwan Fiesta Digital Queen.
Ang lahat ng shows ay mapapanood ng live sa Aliwan Fiesta’s official Facebook page at sa lahat ng MBC radio stations’ official Facebook pages: Love Radio, Yes The Best, Easy Rock, Aksyon Radyo, Radyo Natin at DZRH tuwing Sabado, alas-7 ng gabi. Mapapanood din ang mga segments na ito sa DZRH News Television, channel 18 sa Cignal at channel 129 on Sky Cable.
Para sa iba pang mga detalye, i-follow lamang ang Aliwan Fiesta sa Facebook, Twitter at Instagram!
COMMENTS