Aliwan Fiesta Digital Queen 2022 Top 12 Finalists, pinahanga ang mga manonood sa Talent and Skills competition
Sponsored Content
October 20, 2022
Inaliw ng Top 12 candidates ng Aliwan Fiesta Digital Queen 2022 ang mga hurado at online viewers sa isang one-of-a-kind talent presentation noong Sabado, October 15.
Kasama sina DJ Raqi Terra ng Love Radio Manila at DJ Nick ng Easy Rock Manila bilang hosts, ito ang ikalawang bahagi ng kompetisyon kung saan maipapakita ng mga kandidata ang kanilang mga talento at kasanayan sa anyo ng visuals and arts, craft and design, o culinary expertise.
Suot ang white vintage dress, sinimulan ni Sophia Noreen Guillermo ng Province of Ilocos Norte ang mga pagtatanghal sa powerful rendition niya ng smash hit na Through The Fire.
Naantig naman ang mga manonood nang ipinamalas ng Cebuana charmer na si Nadine Faith McCoy ang kaniyang vocal prowess sa kantang Kumpas habang tumugtog ng gitara.
Sumunod naman si Dana Gabrielle Tautho ng Davao City na nagpakita ng kanyang kahanga-hangang mga galaw sa pamamagitan ng ilang mapang-akit na magic tricks.
Sa harap ng Museo de Guinobatan, binigyan ng Albayanon beauty na si Kristell Candice Pagdagdan ang mga manonood ng isang variety show experience. Hinandog niya ang song at ballroom dance number sa saliw ng Kings and Queens at I’m A Barbie Girl.
Dinala ni Jeaven Iyl Musni ang Masskara Festival sa mga manonood. Masaya siyang nagtanghal ng street dance suot ang makulay na light-up costume. Ang pagdiriwang na ito ay ginaganap tuwing ika-apat na Sabado ng Oktubre bilang deklarasyon ng katapangan at optimismo ng mga Bacolodnon.
Namangha ang mga manonood sa isa pang Cebuana stunner na si Jackelaine Fleming. Inihayag niya ang kanyang emosyon at kasanayan sa pagkukuwento sa pamamagitan ng contemporary dance ng Rewrite The Stars.
Nagpatuloy ang kompetisyon sa Binasuan cultural dance na hatid ni Mikaela De La Rama ng Buenavista, Agusan Del Norte. Ang Binasuan ay isang makulay at masiglang katutubong sayaw na nagpapakita ng kakayahan sa pagbabalanse at kadalasang ginaganap sa mga kasalan, kaarawan, at fiesta.
Isang mahusay na follow-up sa kanyang launch and pride of place presentation ang ipinakita ni Marikit Manaois. Mula sa nakamamanghang tanawin sa kabundukan ng Baguio City, kinanta niya ang Huminga, Baguio na parang imbitasyong makibahagi sa kaniyang siyudad.
Inialay ng kinatawan ng Nueva Ecija na si Maica Martinez ang kanyang Heal The World saxophone cover sa mga kapwa niya naapektuhan ng Super Typhoon Karding. Nag-iwan din siya ng nakaka-inspire na mensahe. Sabi niya, “Bangon, Nueva Ecija. Kaya Natin ‘To!”
Ang pangatlong kinatawan ng Cebu City na si Thañamae Cahilig ay nagpakita ng sexiness at fierceness sa mahusay na electric guitar cover ng You Give Love A Bad Name.
Kasing-slow, sexy, and smooth naman ng kantang Earned It ang galaw ni Nikki Shannen Ortega ng Davao City sa kaniyang interpretative dance.
Tinapos ni Caramoan, Camarines Sur pride Kassandra Avena ang palabas sa isang maalab na dance routine sa musika ng This Is Me at Dance Again.
Ang mananalo sa Pride of Place Citation ay tatanggap ng ₱10,000. Nakasalalay ang desisyong ito sa panel of judges na binubuo ng radio broadcaster na si Deo Macalma, pageant blogger Tristan Harvey Francisco, Miss Aura International 2021 Alexandra Faith Garcia, Actress Ana Abad-Santos, Tanduay Digital Brand Manager Edzel Ty, at kinatawan ng ACS Media Agency na si Allen Yotoko.
Nakatakda namang talakayin ng Top 12 candidates ang kanilang mga adbokasiya sa Queens For A Cause competition sa October 22, 2022. Ito ay mapapanood nang live sa Facebook page ng Aliwan Fiesta at sa lahat ng social media platforms ng MBC: DZRH, Love Radio, Yes The Best , Easy Rock, Aksyon Radyo, at Radyo Natin. Ipapalabas din ang mga palabas sa DZRH TV: Channel 18 sa Cignal, Channel 129 sa Skycable, Channel 3 sa Cablelink at sa daan-daang cable providers sa buong bansa.
Ang Aliwan Fiesta Digital Queen 2022 ay hatid sa atin ng Unique toothpaste, White Rose Papaya whitening soap, Charm fabric conditioner, DITO Telecommunity, Birch Tree, Tanduay, Palmolive Naturals Ultra.
Suportahan ang inyong paboritong kandidata na masungkit ang Netizen’s Choice Award sa pamamagitan ng pagboto sa https://vote.aliwanfiesta.com/ hanggang October 29, 2022. Para sa karagdagang detalye, maaari mo ring i-follow ang Aliwan Fiesta sa Facebook, Twitter, at Instagram.
COMMENTS