Ballet Manila, magbabalik live performance sa double bill na “Rise!”
September 21, 2022
Kabisyo, may gagawin ka ba sa darating na October 7 at October 9?
Yayain na ang buong pamilya at barkada sa Aliw Theater at saksihan ang live performance ng Ballet Manila na pinamagatang, “Rise!” Ang Ballet Manila ay ang leading professional classical at contemporary dance institution sa bansa.
Bilang isang “double bill,” itatampok dito ang programang “Ballet & Ballads” at ang muling pagsasalaysay ng “La Trivita” ballet sa koreograpiya ni prima ballerina Lisa Macuja-Elizalde.
Sa saliw ng musika ng musical director na si Maestro Gerard Salonga, aawit naman si Bituin Escalante at ang award-winning opera singer na si Jade Riccio.
Talaga namang pambihira ang palabas na ito na pinamumunuan ni Lisa Macuja-Elizalde bilang overall artistic director, theater artist na si Michael Williams bilang stage director, playwright na si Luna Inocian bilang scriptwriter at Gerardo Francisco Jr. at Martin Lawrence bilang choreographers. Mayroon ding 12-person opera ensemble at 60-piece bespoke orchestra na pinili mismo ni Maestro Salonga.
Mapapanood ito sa October 7, 8:00 p.m. at October 9, 5:00 p.m. sa Aliw Theater, CCP Complex, Pasay City.
Para sa tickets, mangyari lamang na bisitahin ang www.ticketworld.com.ph o tumawag sa 8891 9999.
Takits, mga Kabisyo!
COMMENTS