#FeelGood Christmas vibes ang hatid ng McDonald’s #LightsKoTo Show!
December 1, 2022
Para sa marami nating Kabisyo, ang Pasko ang pinakamasaya at inaabangang holiday sa buong taon. At sa pagpapatuloy ng McDonald’s Share The Light campaign ngayong 2022, walong branches mula sa Metro Manila, Cavite, Bulacan at Pampanga ang kanilang iilawan at palalamutian para sa parating na Pasko.
Una sa walong branches na ‘yan ang McDonald’s UN Del Pilar, Manila branch na pinuntahan mismo ni DJ Tanya Chinita!
Tiyak na mararamdaman ng mas marami pang customers ang simoy ng Pasko dahil kung noong nakaraang taon, ride thrus lamang ang kabilang, ngayong taon ay facade na ng piling stores ang paliliwanagin! Kaya mapa-dine in, takeout, or ride-thru man, mae-experience niyo na ang Paskong McDonald’s!
Ito ang paraan ng kilalang fast-food chain para bigyan ng festive experience ang kanilang customers habang ine-enjoy ang kanilang McDonald’s favorites.
Sa Facebook LIVE na ito, dinala tayo ni Tanya Chinita sa nasabing branch para saksihan ang Christmas Lights Show na ni-launch nito lamang November 17.
S’yempre, hindi makukumpleto ang pagdiriwang ng Pasko kung wala ang McDonald’s holiday-inspired treats! Simula November 11, matitikman niyo na ang McCrispy Hamonado Sandwich, Coffee Caramel McFlurry, Speculoos Cookie McFlurry at ang Speculoos Cookie Frappe. Sinubukan ni Tanya Chinita ang lahat ng ‘yan sa LIVE Mukbang niya!
Hindi pa riyan natatapos ang sorpresa ng McDonald’s dahil bukod sa Christmas Lights Show, maaasahan din ang mga sumusunod:
- Christmas Short Film
Ibabahagi ng McDonald’s ang kuwento kung paano nalagpasan ng pamilya ang pangamba na dulot ng pandemiya sa pamamagitan ng pagmamahalan at pagkalinga. Abangan ito sa kanilang social media pages! - Donation Drive
Makatatanggap ng Happy Meal Toy at Book donations ang napiling beneficiaries sa pakikipagtulungan ng Ronald McDonald House Charities. - McShare Promo
Simula December 1, may kasamang freebie ang bawat order ng 8-pc Chicken McShare Box or 20-pc Chicken McNuggets para mas lalong ma-enjoy ng buong pamilya o barkada ang salu-salo! - 12 Days of Deals
Simula December 14, magkakaroon ng exclusive daily raffle sa McDonald’s App kung saan iba’t-ibang prizes ang naghihintay sa mga masusuwerteng customers!
Tunay ngang ang Pasko ay season of giving! Abangan ang pito pang McDonald’s stores na magkakaroon ng Christmas Lights Show at baka isa rito ang pinakamalapit sa lugar niyo.
I-follow mo na rin ang McDonald’s sa Facebook, Twitter at Instagram para lagi kang in sa exciting offers nila, Kabisyo!
COMMENTS