The first ever search for Beki Nemen: The Search for Kween PaLOVEan
November 6, 2021
Beki Nemen: The Search for Kween PaLOVEan Call for Entries
Gusto mo bang magwagi ng 30,000 pesos na Grand Prize?
Heto na ang time ng mga paLOVEan nating bekis to shine! Kyota ka man o thundercats, may pageant experience o wala, basta pasok sa eligibility, pwede kang sumali sa Beki Nemen: The Search for Kween PaLOVEan.
I-submit na ang iyong registration form here: ⬇⬇⬇
bit.ly/BekiNemenRegistrationForm#BekiNemen2021
#KweenPaLOVEan
#LoveRadioPosted by Love Radio Manila on Monday, November 1, 2021
Kabisyo, may tropa o kakilala ka bang Beki? Well, pasalihin mo na ‘yan dito sa kauna-unahang gay pageant dito sa Love Radio!
Dahil sa hindi pa rin tayo makapagsagawa ng mga harapang pageant, gustong bigyan ng sariling platform ng Love Radio Manila ang gay community kung saan pwede nilang i-showcase ang kanilang talent, wit, at good vibes. Kaya naman inihahandog ng Love Radio Manila ang first-ever search for Beki Nemen: The Search for Kween PaLOVEan!
Sa pageant na ito, makikita natin ang mga wittiest, funniest at most inspiring member of the LGBT+ community. Ilalagay sa spotlight ang mga Kween PaLOVEan habang sila ay nakakapagbigay ng inspiration at saya sa mga Kabisyo online.
Sino ang mga maaaring sumali? Ang aspiring Kween PaLOVEan ay dapat 18-80 years old na may pleasing personality at dapat ay biologically male. Ang aspirant ay mayroong confidence at poise. Dapat talented din ang aspirant, maaaring ito ay sa visual or performing arts, craft or design, athletics, or culinary expertise. Ang gusto lumahok sa pageant ay dapat Filipino citizen at taga- Mega Manila.
Para makasali, ang mga aspiring Kween PaLOVEan ay dapat makapag-fill out ng application form na makikita sa Facebook page ng Love Radio Manila at ng mga DJs. Kalakip ng application form, sila ay kailangang mag-submit ng proof of citizenship at at certificate of residency mula sa Barangay Chairman.
Ang mga aspiring Kween PaLOVEan ay kailangan ding mag-submit ng audition video with a maximum length of 3 minutes, kung saan niya ipakikila ang kanyang sarili, kung saan siya nagmula, at kaunting sulyap ng kanyang casual at formal wear.
Beki Nemen: The Search For Kween PaLOVEan How To Audition Video
Kung feeling mo ay may LOVEan ka, pumalag ka na! Watch mo lang ‘to, Beks, para malaman mo kung paano mag-audition at magkaroon ng chance na manalo ng P30,000 na Grand Prize sa Beki Nemen: The Search For Kween PaLOVEan!
I-push mo na ‘yarn kung PaLOVEan ka gaya ng nabanggit dito: https://bit.ly/BekiNemenCallForEntries
I-submit na ang iyong registration form here: ⬇⬇⬇
bit.ly/BekiNemenRegistrationForm#BekiNemen2021
#KweenPaLOVEan
#LoveRadioPosted by Love Radio Manila on Wednesday, November 3, 2021
Maaaring mag-submit ng entries ang mga aspiring Kween PaLOVEan hanggang sa November 14, 2021.
Ang Top 12 finalists ay ia-announce sa darating na November 30, 2021.
COMPETITION SEGMENTS
WEEK 1: December 11, 7:00 PM
MEET THE KWEENS!
Ipakikilala ng mga kandidata ang kanilang sarili, ang lugar na kanilang pinanggalingan at ang kanilang pang-araw araw na buhay, trabaho, at iba pang pinagkaka-abalahan habang suot ang kanilang national costume na mula sa recycled materials.
PASIK-LOVE-AN!
Sa segment na ito, ipakikita ng mga kandidata ang kanilang pambihirang mga talent at skills!
WEEK 2: December 18, 2021, 7:00 PM
Evening Gown Competition: PabongGOWNan!
Irarampa ng mga kandidata ang kanilang formal wear, sila man ay nasa kanilang bahay o saan mang venue na as if mayroong catwalk.
WEEK 3: January 8, 2022, 7:00 PM
Q&A: LOVEanan ng may utak
Tatanungin ng mga judges ang mga kandidata kung paano nila mapaglilingkuran ang Pilipinas, kung paano magiging daluyan ng pagbabago, at iba pang mga katanungan. Ang deep lang nito ‘di ba?!
WEEK 4: January 15, 2022, 7:00 PM
Awarding & Coronation: Final LOVEan
Suot ang kanilang evening gown. sila ay haharanahin ng isang guest artist. Sa segment din na ito makikilala ang first ever Beki Nemen Kween PaLOVEan!
CRITERIA FOR JUDGING
PaLOVEan na Awra 40% (cumulative of all segments)
NaglalagabLOVE na Talent 40% (full score from Talent competition)
Talinong Pak Ganern! 20% (full score from Q&A)
Total 100%
PRIZES AT STAKE
Ang tatanghaling Beki Nemen Kween PaLOVEan ay tatanggap ng PhP 30,000.
Ang 1st Runner Up ay mag-uuwi ng PhP 20,000 at ang 2nd Runner Up naman ay wagi ng PhP 10,000.
Hindi naman uuwing luhaan ang iba pang finalists dahil sila ay mag-uuwi ng ma appliances bilang consolation prizes.
Mayroon ding special awards! May mga mananalo ng ‘Bekizens Choice Award,’ ‘Award for Best in pabongGOWNan,’ at ‘PinakamasikLOVE na Talent.’ Ang mga mananalo ay tatanggap ng appliances at special prizes.
So, sa mga Kabisyong Beki diyan, baka kayo na ang hinahanap namin! Mag-register at sali na sa first-ever search for Beki Nemen: The Search for Kween PaLOVEan!
COMMENTS