IMMAP, ipagdiriwang ang entrepreneurial spirit sa “DigiCon Valley 2022”
October 7, 2022
Kabisyo, muling ilulunsad ng Internet & Mobile Marketing Association of the Philippines (IMMAP) ang DigiCon — isang flagship event para sa marketing, advertising at digital industry ng Pilipinas, kasama ang Manila Broadcasting Company bilang isang platinum media partner.
Sa temang “DigiCon Valley,” ito ay gaganapin mula October 10 hanggang 14, 2022 para ipagdiwang ang pagbabago, paglutas ng problema at ang diwa ng pagnenegosyo.
Ipapakilala sa DigiCon Valley 2022 ang mga sumusunod na bagong track, na hango sa iba’t-ibang yugto ng inobasyon:
- Launchpad na tatalakay sa mga tool at technique para sa digital excellence
- Hypergrowth na magpa-pataas ng digital skills at magpapakita ng mga kuwento ng paglago mula sa pinakamatagumpay na start-ups
- Breakthrough na magtuturo ng digital strategy at kung paano mag-isip tulad ng isang innovator
- Enterprise na magtatala kung ano ang ibig sabihin ng pagiging isang digital-first organization
Kabilang sa mga Keynote Speaker ngayong taon ang industry giants tulad nina Huffington Post Founder na si Arianna Huffington; Rappler Founder at ang unang Filipino Nobel Peace Prize laureate Maria Ressa; internationally acclaimed marketing expert at academic Mark Ritson; Imbentor ng Design Sprint na si Jake Knapp; at Award-winning Global CMO ng Dole Sunshine Company na si Rupen Desai.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa IMMAP DigiCon Valley 2022, mangyaring bisitahin ang kanilang opisyal na website sa www.digicon.com.ph, at sundan ang kanilang mga social page sa Facebook, Twitter at Instagram.
COMMENTS