Kabisyo, paano panoorin ang Top 15 Films ng MBC Short Film Festival 2022?
July 21, 2022
Kabisyo, mahigit 150 na filmmakers ang lumahok ngayong MBC Short Film Festival 2022. Pero, 15 lamang ang nakapasok kaya garantisadong mataas na kalidad ng pelikula lamang ang inyong mapapanood.
Noong Hulyo 12 ay nagkaroon ng ‘Big Reveal’ ang MSFF kung saan ipinakilala ang mga nakapasok sa Top 15:
Animation
Guhit by Dionisio V. Bacudio III
CITSALP by Jean A. Evangelista
Ang Liwanag ng Bakunawa by Alvin Joshua Gasga and Shem Domingo
Bahay Bound by Danica Sy and Andrea Castillo
Proud by Are Jay Madrigal Peralta
Documentary
SUPER-ABLE by Arjanmar H. Rebeta
Nasaan Sila, Nasaan ang Virus? by Ram Esteban Estael
Lola Samiya, 109 by Samer Sulaiman
Ang Pagpapakalma Sa Unos (To Calm The Pig Inside) by Joanna Vasquez Arong
Kambalingan by Gio Gonzalves
Short Feature
Beauty Queen by Myra Aquino
Daluyong by Ervie Jay Torzar
Haan Ta Nga Mataengan Nga Agidan by Mike Cabarles
Lorna by Noel Escondo
The Transfiguration of Marya by Jericho Rimando
Ang mga nabanggit na short films ay mapapanood na sa opisyal na website ng MBC Short Film Festival. Kaya sa mga nagbabalak manood diyan ng short films sa MSFF, narito ang mga hakbang para ma-enjoy mo ang panonood:
UNA, maaari kang magpunta sa website ng DZRH at i-click ang banner ng MSFF 2022.
O maaari ka ring magtungo sa www.dzrh.com.ph/msff para rekta nood na!
PANGALAWA, i-click ang short film na gusto mong panoorin. Nakahanay na ang short films ayon sa kanilang kategorya. Hindi mo na kailangang mag-register pa, puwede ka na manood agad-agad!
PANGHULI, kung may bet ka naman sa mga pelikula ay puwede mo itong iboto para manalo ng Fan Favorite Award, mag-register lamang gamit ang iyong account. Maaari lamang bumoto ng isang beses kada araw ang isang account.
Mapapanood ang lahat ng short films hanggang August 15, 2022 habang ang botohan naman para sa Fan Favorite ay matatapos ng July 29, 2022.
Abangan kung sino ang mananalo sa MSFF sa August 6, 2022 para sa ‘Big Night.’
COMMENTS