Labindalawang kandidata, pasok sa Aliwan Fiesta Digital Queen 2022
September 22, 2022
Muling binuksan ng Manila Broadcasting Company ang paghahanap nito sa susunod na Aliwan Fiesta Digital Queen!
Ngayong taon, mahigit tatlumpung pageant hopefuls ang nagsumite ng kanilang aplikasyon. Lahat ay bihasa sa kultura, may kakaibang talento, at natural na magaganda.
Noong Miyerkules, September 14, opisyal nang inanunsyo ng organisasyon ang Top 12 Finalists na maglalaban-laban para sa korona at titulo.
Kabisyo, isa sa kanila ang susunod na Aliwan Fiesta Digital Queen:
1. Sophia Noreen Guillermo, Ilocos Sur
Si Sophia ay isang 18 taong gulang mag-aaral ng Dingras National High School. Sinusuportahan niya ang Women in Development program ng Dingras na nakatutok sa empowerment sa pamamagitan ng kamalayan, impormasyon, at mga serbisyong pangkalusugan.
2. Nadine Faith McCoy, Cebu City
Si Coy ay isang karatedo na tumutugtog din ng gitara, mahilig kumanta, at magluto. Pinili ng 16-year-old ang Love Yourself Organization bilang tagapagtaguyod ng LGBT rights.
3. Dana Gabrielle Tautho, Davao City
Sa edad na 24, si Gabby ay isang licensed geologist na mayroong Master’s degree in Urban Planning at kasalukuyang kumukuha ng kanyang PhD sa Development Studies. Isa siyang environmental consultant para sa Ridge to Reef, at taga-suporta ng Matigsalug Tribe’s Council of Elders sa Marilog District, na nagpapaabot ng tulong sa kanilang komunidad ng pagsasaka.
4. Kristel Candice Pagdagdagan, Guinobatan, Albay
Bilang isang senior high school student sa Marcial Ranola Memorial School, mahilig si KC sa malikhaing pagsulat, panitikan, at pagbibisikleta. Pinamumunuan niya ang Guinobatan Children’ Organization sa edad na 18.
5. Jeaven Iyl Musni, Bacolod City
Ang 20-anyos na ito ay nagtapos ng Senior High School sa John B. Colleges Foundation. Isang folk dance at pottery enthusiast, itinataguyod niya rin ang food waste management at piniling tulungan ang isang social enterprise na tinatawag na SAGUP Negros: Food Waste Mitigation Initiative.
6. Jackelaine Adarayan Fleming, Cebu City
Si Jackie ay 21 taong gulang at kumukuha ng Psychology sa Fort Lewis College. Isa rin siyang skin ambassadress na tumutulong sa Ngiti Foundation for Children’s Needs.
7. Martina Mikael De La Rama, Buenavista, Agusan Del Norte
Si Tina ay isang 18 taong gulang na estudyante ng Butuan Doctors College. Nagmula sa isang lugar na mayaman sa isda, malapit sa puso niya ang Kalanggaman at Tangke Fisherfolk Association.
8. Marikit Manaois, Baguio City
Si Kit ay mayroong degree sa Human Resource Development mula sa St. Louis University at nagtatrabaho bilang isang Secretary ng isang solid waste management company. Ibinibilang ng 25-year-old ang pagkanta at pag-arte sa teatro sa kanyang special talents.
9. Maica Cabling Martinez, Cabanatuan City, Nueva Ecija
Sa edad na 28, si Maica ay naglilingkod bilang isang government employee na may bachelor’s degree sa Broadcast Communication at kasalukuyang kumukuha ng Master’s Degree in Anthropology. Nananatili siyang aktibo sa youth engagement, food sustainability at farming community sa Nueva Ecija.
10. Thañamae Cahilig, Labangon, Cebu City
Kahit na 18 taong gulang pa lamang, mahilig si Anya sa jazz 1950s jazz at tumutugtog ng electric guitar. Siya ay 12th grader sa ilalim ng ABM Marketing strand sa University of San Jose Recoletos. Naninindigan siya sa pagtulong sa mga biktima ng cybersex trafficking.
11. Nikki Shannen Ortega, Davao City
Ang 20 taong gulang na si Nikay ay kontra sa bullying. Bilang tagapaglaban ng mga karapatan ng katutubo, pinili niya ang tanggapan ng Tribal Mission Foundation International sa Davao para sa kanyang programang pangkawanggawa.
12. Kassandra B. Avena, Caramoan, Camarines Sur
Ang 16-year-old na ito ay isa nang head trainer sa modelling center na itinayo ng kaniyang ina. Kasabay nito, siya ay isang estudyante ng Naga City Science High School na mahilig magbasa, sumayaw, at tumugtog ng musical instruments. Pumili siya ng dalawang community-based Bikolnon groups bilang kanyang beneficiaries.
Magkakaroon ng three-episode “Journey to the Crown” pageant primer sa September 17, 24, at October 1 para mas makilala ang mga kandidata, kasama ang kanilang mga adbokasiya at preparasyon.
Bilang kinatawan ng kanilang mga bayan, sasabak sila sa iba’t ibang segment ng kompetisyon kabilang ang Launch and Pride of Place sa October 8, Talent and Skills Competition sa October 15, Queens for a Cause sa October 22, Evening Gown at Q & A sa October 29. Samantala, magaganap ang awarding at coronation night sa November 5, 2022.
Mapapanood ang mga ito sa official Facebook page ng Aliwan Fiesta, DZRH, Love Radio, Yes The Best, Easy Rock, Radyo Natin, at Aksyon Radyo. Magkakaroon din ng live telecast sa DZRH TV: Channel 18 sa Cignal, Channel 129 sa Skycable, at Channel 3 sa Cablelink.
Makibalita sa latest happenings ng Aliwan Fiesta sa Facebook, Twitter at Instagram!
COMMENTS