‘Lakwatsa 4 Every Juan,’ matagumpay na idinaos ng PITX at Love Radio Manila
March 2, 2023
Sa pagdiriwang ng ika-apat na taong anibersaryo ng kauna-unahang landport sa bansa, nakipagtulungan ang Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Love Radio Manila para ihatid ang ‘Lakwatsa 4 Every Juan’ sa mga Kabisyo nating commuter.
Ang PITX ay isang pangunahing multimodal transportation hub. Nag-aalok ito ng tuluy-tuloy na koneksyon sa iba’t ibang uri ng transportasyon mapa-bus man, jeep, shuttle, taxi, at TNV.
Mula November 4 hanggang December 16 ay nagpalaro at nakipagkulitan ang mga paborito nating DJ na sina Tanya Chinita, Chris Tsuper, Nicole Hyala, Raqi Terra, Diego Bandido, Totoy Bato, at Lala Banderas. Sabik namang sumali ang passengers sa Pabibuhan, Bring Me, at Roleta games!
Ilan kasi sa mga papremyo ay ang merchandise items mula sa Love Radio, PITX, at sponsors tulad ng GCash, SMART, Starlite Ferries, Ceres, Jac Liner, Bicol Isarog, Yellow Cab, Krispy Kreme, Subway, Wendy’s, at MOCZ Driving. Marami rin ang nag-abang sa cash prizes at ang grand prize na free provincial trip with hotel accommodation and dinner. ‘Yowwwn!
Hindi lamang ‘yan ang na-enjoy ng ating mga Kabisyo! Bukod sa ‘Lakwatsa 4 Every Juan’ ay dinumog din ang ‘Food Trip 4 Every Juan’ kung saan itinayo ang ilang food bazaars tampok ang delicacies mula Luzon, Visayas, at Mindanao. Nagkaroon din ng anniversary terminal-wide sale na Shopping 4 Every Juan. Wala na talagang hahanapin pa dahil nandito lahat ng kailangan mo!
Maraming salamat sa mga Kabisyo naming nakisali sa pagdiriwang na ito. Nawa’y patuloy niyong tangkilikin ang PITX para sa hassle-free tourism, friendly features/facilities, transport options, at connectivity/accessibility.
COMMENTS