LAKWATSA 4 EVERY JUAN handog sa inyo ng PITX at 90.7 Love Radio
November 30, 2022
Mga Kabisyo, madalas ka bang sumasakay sa Parañaque Integrated Terminal Exchange or PITX kapag umuuwi o nagpupunta sa probinsiya? Kung oo ang sagot mo riyan ay tiyak maaaring ka palang manalo ng iba’t ibang papremyo sa LAKWATSA 4 EVERY JUAN handog sa inyo ng PITX at 90.7 Love Radio.
Ang PITX ay nakipagsanib puwersa sa 90.7 Love Radio para sa kanilang fourth year anniversary at ito na nga ang LAKWATSA 4 EVERY JUAN.
Ang PITX ay ang one-stop terminal na puntahan ng mga bumabiyaheng pasaherong papunta sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Provincial buses, PUJs, PUVs, at shuttles, lahat ‘yan mayroon sa PITX. Maliban rin pala na ito’y terminal, isa rin itong malaking mall kaya pupuwede ka munang mag-shopping o magliwaliw bago ang iyong biyahe. Marami ring government satellite offices dito at patuloy pa nilang dinadagdagan para naman mas mapadali sa commuters ang pag-renew ng lisensiya o iba pang mga dokumentong kailangan nila. Sa laki ng PITX, kaya nitong mag-accommodate ng 200,000 na pasahero! O, ‘di ba? Bongga!
Sinargo na nga nila Totoy Bato at Diego Bandido ng programang EDSA ang LAKWATSA 4 EVERY JUAN noong November 4. Sinundan naman ng mga nagagandahang Love Radio DJs na sina Raqi Terra at Tanya Chinita noong November 18. Mula sa masayang pabibuhan, bring me, at roleta na games ay mayroong dalawa (2) bawat araw ang nakakuha ng grand prize na free provincial trip with hotel accomodation and dinner plus 10,000 pesos pocket money courtesy of GCash. Oha!
Magpapahuli ka ba? Babalik muli ang 90.7 Love Radio sa PITX ngayong darating na December 2, 2022 kasama ang hari at reyna ng radyo na sina Chris Tsuper at Nicole Hyala. Aba’y siguradong Feel Good ang magiging PITX experience niyo, Kabisyo!
At sa December 16, 2022 naman magkasama sina DJ Lala Banderas at DJ Robin Sienna para buksan ang Christmas season kasama ang mga Kabisyo natin diyan sa PITX.
Ano bang dapat niyong asahan? Aba’y walang iba kung hindi ang mas bongga at mas malaking mga papremyo! Kaya Kabisyo, tara na at salubungin natin ang paparating a Pasko rito sa LAKWATSA 4 EVERY JUAN handog sa inyo ng PITX at 90.7 Love Radio.
COMMENTS