Mga Kabisyo, sinulit ang Aliwan Fiesta 2023 Day 3 kahit umuulan
July 20, 2023
Pagod at puyat? ‘Di ‘yan umubra sa mga Kabisyo namin na mapaulan man o umaraw, tinapos ang last day ng Aliwan Fiesta 2023 noong July 15 sa CCP Complex sa Pasay City.
Sulit ang pagsigaw at suporta dahil bawat kalahok sa grand parade ay nagpakitang gilas. Inabangan din s’yempre ang awarding ceremony.
Sa pagbabalik ng pinakamalaking pista sa kapuluan, namangha at natuwa ang mga manonood sa cultural street dancers, grand floats, at Reyna ng Aliwan 2023 candidates na nanggaling pa sa iba’t ibang panig ng Pilipinas para ipakilala ang kanilang kultura, tradisyon, at kasaysayan sa grand parade.
Bawat performer at float ay siguradong pinahirapan ang respetadong panel of judges sa pagpili sa kung sino ang dasurb manalo.
Ginanap ang awarding ceremony sa harap ng Aliw Theater na pinanood ng ‘di mabilang na tao. Hosted ito nina Nicole Hyala at Chris Tsuper ng 90.7 Love Radio na parehong pinasaya at pinanatiling buhay ang gabi kahit na panaka-naka nag ulan.
Sa float competition, Kangga Festival (Mogpog, Marinduque); Salakab Float (Muntinlupa City); Salakot (Maguindanao Del Norte); Tagultot at Tagayan (Atimonan, Quezon); Renamentaw Mapalaw (Maguindanao Del Norte); Sigkel sa Igan (Maguindanao Del Norte); at Daradiat o Bangsa-Rajahmuda (Maguindanao Del Norte) ang pitong runners-up winners.
Lapat Festival ng Calanasan, Apayao naman ang nag-second runner-up na sinundan ng Sipa sa Manggis ng Cotabato City as first runner-up. Itinanghal na Best in Float ng Aliwan Fiesta ang Halamanan Festival ng Guiguinto, Bulacan.
Para sa street dance competition, may limang runners-up, fifth placer, fourth placer, third placer, second placer, at grand champion, plus special citations.
Runners-up ang mga sumusunod: Kangga Festival (Mogpog, Marinduque); Panagbenga Flower Festival (Baguio City); Ayat Festival (La Union); Binabayani Festival (Masinloc, Zambales); at Antipolo Maytime Festival (Antipolo City).
Kadalag-an Festival ng Negros Occidental ang nag-uwi ng fifth place habang fourth place naman ang Halamanan Festival ng Guiguinto, Bulacan. Third place ang Manggahan Festival ng Guimaras kasunod ng second place na Sinulog Festival ng Cebu City.
S’yempre, ang da bes of them all ay wala iba kundi ang Dinagyang Festival na Iloilo na kinilalang street dance competition champion.
Sa special citation awards, Best in Costume ang Manggahan Festival ng Guimaras, Best in Music Accompaniment ang Sinulog Festival ng Cebu City, at Best in Folkloric Performance ang Panagbenga Flower Festival ng Baguio City.
July 15 din nalaman ng lahat kung sino-sino ang mga nagwagi sa tagisan ng ganda’t talino sa Reyna ng Aliwan 2023. May isang special award winner, tatlong second runners-up, first runner-up, at s’yempre, ang queen of them all.
Si Natalya Margaret Lindsay ng Tagultol Fishing Festival ang kinilalang Best in Festival Costume.
Patricia Marie Mendiola ng Pasayahan Festival, Ghenesa Marie Mueller ng Udyakan Festival, at Natalya Margaret Lindsay ng Tagultol Fishing Festival ang pumuwesto as second runners-up.
First runner-up naman ang hakotera ng taon na si Kristine Billy Tabaday ng Ayat Festival.
And the Reyna ng Aliwan 2023 is… Candidate #4… Kiara Liane Wellington of Sinulog Festival.
Di lang pera’t tuwa ang dala ng Aliwan Fiesta. Sa katunayan mga Kabisyo, ang gusto lang nito ay iparamdam sa ating mga Pilipino ang sense of pride at unity dahil nagtipon-tipon tayong may iba’t ibang pinanggalingan sa iisang lugar para ipagdiwang ang ganda’t yaman ng ating bansa.
Sa lahat ng tumulong na maisakatuparan ang Aliwan Fiesta 2023, nagpapasalamat ang buong Aliwan Fiesta family sa inyo. Congratulations din sa lahat ng nanalo! Ang gagaling niyong lahat! Proud ang festival niyo sa inyo!
Paano ba ‘yan? See you next year huh? Asahan namin kayo sa Aliwan Fiesta 2024!
COMMENTS