The search is on para sa Aliwan Fiesta Digital Queen 2020!
July 30, 2020
Nagsimula na ang Manila Broadcasting Company (MBC) sa nationwide search para sa Aliwan Fiesta Digital Queen 2020.
Hindi man natuloy ang Aliwan Fiesta ngayong taon, pursigido pa rin ang MBC na makapagtanghal ng mga aspiring reyna na magko-compete online.
Para makasali, ang aspiring reyna ay dapat 16 to 28 years old, pinanganak na babae at may pleasing personality. Dapat alam niya rin ang kultura at tradisyon ng lugar na kanyang pinanggalingan. Maaring Mabasa at ma-download ang registration form, ang full mechanics, terms and conditions, pati na rin ang sample audition video sa Facebook page ng Aliwan Fiesta.
Dalawampu’t siyam na nagagandahang binibini ang pipiliin ng mga designated lead station bilang semi-finalists. Habang ang final nine candidates naman ay pagpipilian ng MBC executive committee.
Ang pageant ay mahahati sa apat na segment na gaganapin mula September hanggang first week ng October. Ang mga ito ay Launch and Pride of Place, Talent Competition, Modelling Competition at Q&A, at ang Coronation Night.
Ang top 3 winners ay tatanggap ng P100,000, P50,000, at P30,000. Ang kalahati ng kanilang mapapanalunan ay mapupunta sa mapipili nilang charity. Maliban sa koronang Aliwan Fiesta Digital Queen, may chance din silang manalo ng iba’t ibang special awards.
Ang lahat ng mga nabanggit na segment ay mapapanood sa DZRH News Television at sa social media platforms ng MBC: mula sa DZRH AM band, at sa FM band na Love Radio, Yes The Best, Easy Rock, Aksyon Radyo, and Radyo Natin.
For more updates, maaari niyong i-follow ang Aliwan Fiesta sa Facebook, Twitter at Instagram.
COMMENTS