Isa sa mga pinaka-hinahangaang singer at aktres ngayon ay si Angeline Quinto.

Pero may idea ba kayo kung saan nagmula ang isang Angeline Quinto.

Malayo na ang narating ni Angeline sa kanyang career bilang isang singer.

Noong una, siya ay sumali sa Star for a Night kung saan nakalaban niya si Sarah Geronimo. Ang host noon ay ang kanyang idol na si Regine Velasquez.

Naging contestant din ng Magandang Tanghali Bayan: Teen Popstar si Angeline. Dito nakasama niya sa kompetisyon si Jonalyn Viray at Charice.

Nag-compete din siya sa Star Power: Sharon Search For the Next Female Superstar. Matapos ang tatlong beses ng paglahok ay nanalo siya sa singing competition.

July 15, 2011 nang sa unang pagkakataon ay nakapag-solo concert si Angeline. Umawit din siya ng iba’t ibang soundtracks para sa mga pelikula at teleserye. Co-host at performer siya ngayon sa ASAP 2018 ng ABS-CBN.

At siyempre, naging inspirasyon ni Angeline si Regine Velasquez sa pagkanta kaya’t abot langit din ang taas ng kanyang pagbirit.

——————————————————————————————————

Iba’t ibang awitin tungkol sa saya at pagkabigo sa pag-ibig ang tampok sa pinakabagong album ng Queen of Teleserye Theme Songs at multiplatinum-selling artist na si Angeline Quinto.

“ANGELINE QUOTE”

Tampok sa album ang unang single nitong “At Ang Hirap,” na isinulat ng pop rock princess na si Yeng Constantino at ipinrodus naman ni Jonathan Manalo, tungkol sa hirap ng pagmo-move on mula sa isang hiwalayan.

Sa pagbabalik naman ni Angeline sa recording, mapapakinggan din ang isa na naman niyang komposisyon, ang “Para Bang, Para Lang” na isinulat niya para sa kanyang ina. Ito na ang pangalawang kantang isinulat at ini-record ni Angeline matapos ang “Sana Sana” mula sa 2013 album niyang “Higher Love.”

Sigurado namang makaka-relate ang fans sa awiting “Paano Ba Ang Huwag Kang Mahalin,” ang kauna-unahang kantang isinulat ng TV writer at online personality na si Darla Sauler na nag-uumapaw sa hugot.

“ANGELINE QUOTE ABOUT DARLA”

Kasama rin sa track list ng“@#LoveAngelineQUinto” ang duet nina Angeline at Michael Panganiban na “Parang Tayo Pero,” na nanalong 5th Best Song of Himig Handog P-Pop Love Songs 2016 at ang acoustic remix ng “Para Bang, Para Lang.” Tampok din ang covers ng “Nanghihinayang” ng Jeremiah at ballad na “Kailangan Kita,” at originals na “’Di Na Tayo,” “Awit Ng Pag-ibig”, at “Ang Pag-ibig Ko’y Ikaw.”

Ang “@LoveAngelineQuinto” ay mabibili na sa record bars nationwide sa halagang P299 lamang. Maaari na ring madownload ang digital tracks sa pamamagitan ng online music stores katulad ng iTunes, Mymusicstore.com.ph, at Starmusic.ph.

For more information, visit Starmusic.ph or follow Star Music’s official social media accounts at Facebook.com/starmusicph, or @starmusicph on Twitter and Instagram.

Maaari niyong i-follow si Angeline Quinto sa kanyang Facebook page @AngelineQuintoOfficial .

Bukas abangan ang panibagong episode ng 365 Live sa Catch 22 Pilipinas!

HIT SINGLES

365 Live Performance: Paano Ang Huwag Kang Mahalin by Angeline Quinto

365 Live Performance: Nanghihinayang by Angeline Quinto

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.