Taong 2016, ang bandang Apartel ay binuo nila Ely Bunedia at Jay Ortega.

Nag-collaborate silang dalawa at bumuo ng grupo kasama ang mga sumusunod: Pat Sarabia (drums), Coco Coo (guitars), RJ Pineda (keyboards), Redge Concepcion (guitars), Louie Talan (bass), Carissa Ramos (bass), Deej Rodriguez (percussion), Roxy Modesto (saxophone), Wowie Ansano (trumpet), Pards Tupas (trombone), Joseph Cabanero (saxophone), Donna Sagun SeƱoran(harp and backup vocals), Ramonne Rodriguez (backup vocals).

Naka-focus ang tugtugin ng banda sa sould music, RnB, funk and jazz.

Sabi ni Ely Buendia, galing ang pangalan ng kanilang banda sa The Motels, isang banda noong 1980s.

Pero sa kabila nito, ang genre ng bandang Apartel ay mula ay tribute sa 1970s music partikular sa Stax records, Motown, Manila Sound, APO Hiking Society, VST & Co. at Rico J. Puno.

Unang naglabas ng album ang banda noong September 29, 2016 na may title na “Inner Play” at naglabas din sila ng kanilang unang music video para sa kanilang kantang “Is It Hip?” noong September 17, 2016 kung saan ito ay nai-shoot sa isang branch ng Victoria Court sa Malate, Manila.

Bukas abangan ang panibagong episode ng 365 Live sa Catch 22 Pilipinas!

HIT SINGLES

365 Live Performance: Pateros by Apartel

365 Live Performance: Guico St. by Apartel

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.