Binubuo nila Miggy Chavez, Mong Alcaraz, Macoy Estacio, Ariel Lumanlan at Eco del Rio, ang Chicosci ay isang bandang ang musical style ay nagmula sa experimentation ng nu metal at rap metal at naging pop punk, post-hardcore at emo.

Nagmula sa pangalang “Chico Science” ang bandang Chicosci ngayon. Nanalo sila noon sa Inter-school Battle of the Bands at ang napanalunan nila ay naging investment nila sa paggawa ng mga demo at ‘di nagtagal ay naging album record deal sa EMI Philippines. Nakapag-release sila ng mga album na “Revenge of the Giant Robot” at “Method of Breathing.”

‘Di nagtagal ay nagshift sila ng musical direction kung saan ay naka-trabaho nila si Raymond Marasigan para sa ikalawa nilang album. Mula noon ay tinangkilik na ng marami ang kanilang bagong musical style.

Taong 2004, ang banda ay nag-release ng kanilang pangtlong album na may title na Icarus, under ng Viva Records. Kasama si Raymond Marasigan, ipinasok nila sa si Buddy Zabala upang makatulong sa pagbuo ng pinaka-experimental na album. May 2004 noon nang sila ay kilalanin bilang Lokal Artist of the Month ng MTV.

Taong 2006 naman noong nag-release ang Chicosci ng kanilang pang-apat at self-titled album. Madaling sumikat ang kanilang mga singles na “A Promise,” “Seven Black Roses,” “ChicoSci Vampire Social Club” at “Last Look.” Ang music video para sa “ChicoSci Vampire Social Club” ay wagi bilang Favorite Rock Video sa 2008 Myx Music Awards.

Nai-release naman ang “Fly Black Hearts” album noong 2009.

Taong 2012 nang i-release ang album na “This is not a Chicosci Record.”

Taong 2015 naman nang magkaroon ng panibagong kanta ang banda na may title na “Iyong Araw,” ang kanilang unang original na Tagalog na kanta.

Maaari niyong i-follow ang Chicosci sa kanilang official Facebook page @chicosci

Abangan ang panibagong episode ng 365 Live sa Catch 22 Pilipinas bukas, 3:00 PM!

HIT SINGLES

365 Live Performance: Buzzin’ by Chicosci

365 Live Performance: Revalation by Chicosci

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.