Nagmula sa pangalan ng isang libro, ang British rockband na Coldplay ay binuo noong 1996 nila Chris Martin at Jonny Buckland sa University College London.
Mula sa “Pectoralz” na unang naging pangalan ng grupo, pinalitan nila ito ng “Star Fish” noong pumasok si Guy Beryman sa grupo. Naging “Coldplay” ang pangalan ng grupo noon naging miyembro sina Will Champion at Phil Harvey noong 1998.

Nakilala sila sa kanilang single na ‘Yellow’ na agad-agarang umarangkada sa Top 4 ng mga charts at ang album na pinagmulan naman nito na ‘Parachutes’ ay naging Top 1 sa mga album charts noong 2000.

Nakatanggap naman kaagad ang banda ng award sa BRIT Awards bilang Best British Group at Best British Album noong 2001 at sa Grammy Awards para sa Best Alternative Music Album noong 2002.

At kamakailan lamang, nag-release ang “The Chainsmokers” ng kanilang collaboration kasama ang banda na pinamagatang “Something Just Like This” na hinangaan naman kaagad ng marami.

Abangan ang Coldplay sa kanilang nalalapit na concert sa darating April 4, 2017 sa SM Mall of Asia Concert Grounds, Pasay City.

Maaari niyong i-follow ang Coldplay sa Twitter at Instagram: @coldplay

VIDEOGRAPHY

“Something Just Like This” -The Chainsmokers & Coldplay (Official Music Video)

“Hypnotized” -Coldplay (Official Music Video)

“Everglow” -Coldplay (Official Music Video, Single Version)

“Up and Up” -Coldplay

“Adventure of a Lifetime” -Coldplay

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.