Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa singer ng tinaguriang “bagong pambansang awit” ng Pilipinas na “Thinking Out Loud”?! Walang iba kundi ang nag-iisang si Ed Sheeran.

Ipinanganak si Ed Sheeran sa Halifax, England noong Pebrero 17, 1991 at lumaki sa Framlingham, England. Bata pa lang ay nakitaan na sya ng talento sa musika. Samakatuwid, bata pa lang ay marunong na syang tumugtog ng gitara at kumakanta na rin sa kanilang simbahan. Madalas syang sinasama ng kanyang ama sa iba’t ibang musical concerts na lalo pang nakapag pa-inspire sa kanya. Ngunit, ang paghanga nya sa album ni Van Morrison na “Irish Heartbeat’ ang lalo pang nag-push sa kanyang piliin ang kanyang music career. Inspirasyon din nya sina Eric Clapton, Paul McCartney at Bob Dylan.

Nabigyan ng break si Ed Sheeran taong 2010 nang ma-impressed si Jamie Foxx , isang actor comedian sa kanyang performance at pinayagan sya nitong gamitin ang recording studio nito. Na-irelease ang kanyang dalawang Extended Plays: “Ed Sheeran: Live at the Bedford” at “Songs I wrote with Amy”.

Taong 2011, na-i-released ang EP na “No.5 Collaborations Project”. Kasama nya rito ang mga rapper na sina James Davlin at Richard Cowie. Ilang buwan pa lamang nakakaraan ay nag-a-appear na rin sya sa TV music show na “Later … with Jools Holland” para iperform ang kanyang debut single na “The A Team” na nakasama sa top 10 songs nga mga bansang Australia, Japan, Norway at New Zealand. September 12, 2011 lalong namayagpag ang kanyang career internationally nang i-release nya ang kanyang album na “+” (plus). Laman nito ang kantang “The A Team” na nanalo ng Ivor Novello Award for Best Song Musically and Lyrically, ito rin ay na-nominate as Song of the Year noong 2013 sa Grammy Awards. Sa loob ng six months ay nakapagbenta ito ng 1,021,072 copies sa UK pa lamang. Na-impressed nya si Taylor swift sa kanyang performance na nakasama rin nya sa single na “Everything has changed”

June, 2014 nang ma-ireleased nya ang kanyang second album na “x” (multiply). Naging no.1 ito hindi lamang sa UK Album Charts kundi maging sa US Billboard 200. Ang single nya rito na “Thinking Out Loud” ay nanalong Song of the Year at Best Pop Solo Performancer sa Grammy Awards 2016 maging ang single nyang “Photograph” at naging second best-selling album worldwide ang album na “x” noong 2015.

March 2017 ni-released ang kanyang pangatlong album na “÷”. Ang dalawang single mula rito na “Shape of You” at “Castle on the Hill” ay kahanga-hangang parehong nasa US top 10 songs. Samantalang ang single nyang “Perfect” ay nag no.1 naman sa UK and Australia at ang “Perfect Duet” featuring Beyoncé ay no.1 sa US.

Nakapagbenta na si Ed Sheeran ng mahigit 26 million albums at 50 million singles worldwide, na nagtalaga sa kanyang bilang one of the world’s best-selling music artist.

Noong April 8, 2018 nga ay dinumog ng Filipino fans ang concert ni Ed Sheeran sa MOA concert grounds. Ito ay part ng kanyang Divide World Tour na dapat ay noong November 2017 pa, nan a-resched dahil sa kanyang cycling accident.

VIDEOGRAPHY

Perfect by Ed Sheeran

Shape of You by Ed Sheeran

Photograph by Ed Sheeran

Give Me Love by Ed Sheeran

Thinking Out Loud by Ed Sheeran

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.