Featured Artist: JAKE ZYRUS
October 3, 2017
![](https://archive.loveradio.com.ph/wp-content/uploads/2017/10/JAKE-ZYRUS.jpg)
Mula sa pagiging Charice ay niyakap na niya ang pagiging Jake Zyrus.
Naging usap usapan ang kanyang pagbabago ng pagkakakilanlan, Jake Zyrus ang napili niyang pangalan.
Nagmula ang “Jake Zyrus” sa isang eksperimento na kanyang ginawa sa harapan ng salamin. Nagbanggit lamang siya ng mga pangalang kanyang nagugustuhan at napili niya nga ang “Jake.” Hindi ditto natapos ang lahat dahil ayaw niya ng iisa lamang na pangalan kaya’t dinugtungan niya ito ng “Zyrus.”
June 20, 2017 noong magpakilala siya bilang Jake Zyrus. Umani ito ng iba’t ibang reaksyon lalo na mula sa kanyang lola.
Sa kanyang interview kasama ang Tambalang Nicole Hyala at Chris Tsuper, sinabi ni Jake na hinding hindi naman kakalimutan na galing siya kay Charice at sa talentong pinangmulan niya.
Sa darating na October 6, 2017, magkakaroon siya ng concert na may title na “I Am Jake Cyrus.” Gaganapin ‘yan sa Music Museum, Greenhills, San Juan City, 8:00 PM.
VIDEOGRAPHY
Para Sa’yo by Jake Zyrus on ASAP
I’ll be There For You- Cover by Jake Zyrus
Hiling by Jake Zyrus
Comments