Sino ba naman ang hindi makakakilala kay Justine Bieber?

Ipinanganak bilang Justin Drew Bieber ni Pattie Mallete noong March 1, 1994 sa London, Ontario, Canada. Bata pa lamang siya ay naging interesado na siya sa paggamit ng iba’t-ibang musical instruments. Unang beses siya sa sumali sa isang local talent competition noong 12 years old siya at nagwagi ng second place ngunit hindi ito naging dahilan upang huminto siya sa pag-abot ng kanyang pangarap.

Dahil sa tiyaga ng kanyang ina mag-upload ng kanyang videos sa Youtube, agad umusbong sa internet ang kanyang galing sa pagkanta. Doon niya nakilala ang kanyang agent na si Scooter Braun. Nagkaroon agad siya ng kanyang first single na “One Time,” nag-hit ito worldwide at naging certified platinum sa Canada at sa Amerika.

Matapos ang kanyang single, inilunsad na ang kanyang unang album na may title na “My World,” na tumabo din ng benta at mga parangal. Nasundan agad ito ng kanyang unang concert na may title na “Justin Bieber: Never Say Never” noong 2011.

Dahil sa kanyang kasikatan at galing sa pagkanta ay nagkaroon siya ng fan-based group na tinatawag na “Biliebers.”

Lumabas din siya sa ibang mga palabas na CSI: Crime Scne Investigation noong 2000.

Abangan si Justin Bieber sa kanyang paparating na concert sa September 30, 2017 sa Philippine Arena.

Para sa updates, maaari niyo siyang i-follow sa kanyang Twitter at Instagram Accounts @justinebieber .

VIDEOGRAPHY

“Despacito” by Luis Fonsi feat. Justin Bieber

“Faded” by Selena Gomez feat. Justine Bieber

“What Do You Mean” by Justin Bieber

“Sorry” by Justin Bieber

“Love Yourself” by Justin Bieber

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.