Binubuo nina Jascha Richter, Mikkel Lentz, and Kåre Wanscher, nabuo ang bandang Michael Learns to Rock sa kagustuhan ni Richter na bumuo ng isang bandang tatatak sa puso’t isipan ng mga taga-UK.

Nagsimula noong 1988 ang noo’y singer at keyboardist na si Jascha Richter na bumuo ng isang banda upang mai-perform ang kanyang mga likhang kanta. Dahil ditto, niyaya niya ang kanyang kaibigang drummer na si Kåre Wanscher para mag-perform sa Denmark. Kulang ang pagiging duo kaya minarapat nila na gawing gitarista si Mikkel Lentz at bass si Led Zeppelin.

Isa sa mga pumatok na kanta ng MLTR ay ang “The Actor” na nag-number 1 sa Norway, Sweden, Indonesia, Malaysia, Singapore and the Philippines. Sumunod sa kantang ito ay ang “Colours” nan a-release noong 1993, “Sleeping Child,” at “25 Minutes” na umabot sa lagpas na isang milyon number of sales.

Nilibot ng MLTR ang Europe at Asia noong 1995 at lalo pa silang namayagpag sa kanilang pagiging number sa charts. Sa parehong taon, ni-release nila ang kanilang pangatlong album na “Played on Pepper” sa Scandinavia and in Germany, Switzerland, Portugal, France, Italy, Brazil, South Africa, Japan, the United Arab Emirates and 11 pang bansa sa Southeast Asia. Nagtala din sila ng pinakamalaking Concert Tours kung saan nagkaroon sila ng 25 concerts sa 10 bansa. Taong 1996 nang mai-release nila ang isa sa mga pinaka-bumenta nilang kanta, ang “Paint My Love” na pumalo at nakabenta ng 3.4 Million copies sa South East Asia.

Isang international collection ng mga kanta ng banda na may pamagat na “Greatest Hits” ang nailabas noong 1999 kasabay ito pag-alis ni Søren Madsen sa grupo. Taong 2000, nilabas ang album na “Blue Night.” Sumunod na taong 2001, nagkaroon ng five-week tour ang MLTR sa Dubai, Philippines, Singapore, Thailand, Malaysia at China kung saan nagkaroon ng promotion ng kanilang “19 Love Songs.” Taong 2004 nang i-release ang pang-anim na studio album at makalipas ang ilang buwan any ang bagong hit single na “Take Me To Your Heart.” Noon ay 2007 nang i-release ng MLTR ang “The Live Adventure of Michael Learns to Rock” at nung sumunod na taong 2008 ang ikawalong studio album na “Eternity.” Mula 2007 hanggang 2012 niyanig ng MLTR ng 87 concerts ang Taiwan, Hong Kong, Malaysia, Philippines, Thailand, Denmark, China, India at Singapore.

11 milyong global record sales ng physical albums noong 1991, humigit kumulang na six million paid downloads, higit 50 million views sa Youtube at milyun-milyong play sa mga FM, ang MLTR ay hindi lamang isa sa mga successful na istorya sa Denmark bagkus ay sa buong mundo.

Sa pangkalahatan, nagkaroon ng mahigit 500 concerts ang Michael Learns to Rock sa buong mundo sa kanilang halos 30 taong pamamayagpag sa industriya.

Kaya’t sa darating na August 31, 2017, magkakaroon ng Live Concert ang Michael Learns to Rock, 8:00 PM sa KIA Theatre sa Cubao, Quezon City.

Para sa latest updates tungkol sa MLTR, maaari niyo siyang i-follow sa Facebook @michaellearnstorock .

VIDEOGRAPHY

The Actor by Michael Learns to Rock

Sleeping Child by Michael Learns to Rock

25 Minutes by Michael Learns to Rock

Paint My Love by Michael Learns to Rock

You Took My Heart Away by Michael Learns to Rock

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.