Mula sa Toronto, Canada, ipinanganak noong Agosto 8, 1998, si Shawn Peter Raul Mendes o mas kilala bilang Shawn Mendes. Nakilala ang 18-year-old singer dahil sa kanyang mga sikat na cover songs na napanood ng mga tao sa social video app na Vine noong 2013.

Matapos ang isang taon ng kanyang kasikatan ay naparangalan siya bilang Teen Choice Award for Webstar in Music. Sa kasalukuyan ay patuloy ang pag sikat ni Shawn Mendes hindi lamang sa Amerika at Canada kundi maging sa buong mundo.

Ilan sa mga kantang kanyang pinasikat ay ang ‘Stitches’ na mayroon nang mahigit na 734 Million views at ‘Treat You Better’ na mayroon namang 717 Million views sa Youtube.

Ngayong 2017, siguradong dadagsain ng mga fans si Shawn Mendes dahil ang Pilipinas naman ang susunod niyang haharanahin. Gaganapin ang kanyang concert sa March 18, 2017 sa SM Mall of Asia Arena.

Maaari niyong i-follow si Shawn sa Twitter at Instagram sa: @ShawnMendes

VIDEOGRAPHY

“Stitches” -Shawn Mendes (Official Music Video)

“Treat You Better” -Shawn Mendes (Official Music Video)

“Mercy” -Shawn Mendes

“Mercy” -Shawn Mendes

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.