Nagsimula bilang country’s breakout band of 2017, nakilala ang Ben&Ben sa kanilang heartfelt na mga lyrics, unique musicality at sa kanilang electric vibe sa ibabaw ng stage. Sa kanilang pagiging bata, naka-dedicate na ang banda para magbigay ng total richness ng kanilang musika sa pamamagutang ng mga kantang may pag-asa, pag-ibig at siyempre positivity.

Binubuo ang banda ng kambal na sina Paolo at Miguel Benjamin sa kanilang acoustic guitars at vocals, Agnes Reoma sa bass, Poch Barretto sa electric guitar, Keifer Cabugao sa violin, Pat Lasaten sa keyboards, Toni Muñoz at Andrew Pano sa percussions, at Jam Villanueva sa drums. Kapag pinagsama-sama nga naman ay bonggang-bonggang chemistry ng folk music na may halong pop at bagong sound genre na nakakadominate nga naman ng audience, katulad na lamang ng “Kathang Isip,” “Leaves,” “Ride Home” at “Maybe the Night.”

Dine-describe nila ‘yung kanilang banda na fellowship na parang mga heroes daw katulad ng Avengers, or mga magkakaklase na stuck sa isa’t isa. Kapag nasa isang room daw, punong puno sila ng mga hirit na pak na pak pati na rin mga casual conversations katulad na lamang kung saan kakain at ‘yung real and honest look ng kanilang band life or “famband” kung tawagin nila.

Ngayon naman, patok sa pandinig ng mga fans ang kantang “Pagtingin” na tungkol sa mga uncertainty na pwedeng maganap kapag nagtapat ka feelings sa isang tao.

Maaari mong i-follow ang bandang Ben&Ben sa kanilang official Facebook page @BenAndBenMusic .

Abangan ang susunod na paborito mong artist sa bagong episode ng 365 Live!

TEASER

PERFORMANCE

FULL INTERVIEW

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.