Nagsimula ang bandang Gracenote sa St. Scholastica’s College sa Maynila. Katulad ng iba pang mga banda, galing din sila sa mga small time na mga gig at lumalahok din sila sa mga band competitions. Ang kanilang genre ay “electro-pop.”

Binubuo nila Eunice Jorge sa vocals, keyboards at violin; Jazz Jorge sa bass; EJ Pichay sa drums at Tatsi Jamnague sa guitars.

Sa kanilang pagsisimula ay nagwagi na agad sila sa ilang mga competitions. Wagi na first runner-up sa “Sing for Cancer Battle of the Bands,” gayundin sa “Nescafe Soundskool” Finalists noong 2008, at Grand Champion sa DZUP: College Collision noon naming 2009.

Sa tulong ni Rye Sarmiento ng 6cyclemind, nakapaglabas sila ng 8-track album na may title na “First Movement” at may carrier single na may title na “Minsan Lang Naman.” Naging highlight naman ito ng naging identity, melody at lyrics ng banda. Tagumpay na nakilala ang album at nakapasok ito sa mga charts ng radio at TV music programs sa bansa.

Sa kasalukuyan ay naging bahagi sila ng lineup ng Coke Studio kung saan kasama nila si Abra at nakapag-produce ng kantang may title na “Stargazer” na tumabo ng 2.5 million views. Nakipag-collaborate din sila sa Parokya ni Edgar kasama ang vocalist nitong si Chito Miranda at nakpag-produce naman sila ng kantang may title na “Bakit Ganyan Ka?” Umabot ito ng 800,000 views nang wala pang 24 oras at 28,000 shares sa Facebook. Naging viral din ito sa Philippines Viral 50 ng Spotify at umabot pa sa Number 3 spot.

To know more tungkol sa Gracenote, maaari niyo silang i-follow sa kanilang Facebook page @Gracenote6

Abangan ang panibagong episode ng 365 Live sa Catch 22 Pilipinas bukas, 3:00 PM!

HIT SINGLE

Respeto by Gracenote

Here I Go Again by Gracenote

FULL INTERVIEW

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.