Ang Boyfriend kong Ex-Con – Mahiwagang Burnay

June 28, 2023

Bagama’t nasa bilangguan ay naramdaman ng Tambalanista nating si May ang katapatan ni Win noong mag-video call sila kaya naman, naging sila nito.

Hindi nagtagal ay nagdalawang-isip siya rito dahil hindi man lang ito konektado sa pamilya sa Facebook. Sa paghahanap ay nakita niya ang ibang account nito kung saan may babaeng kasama.

Tinanggap niyang muli si Win noong humingi ito ng tawad at nangakong magbabagong-buhay. Noong nakalaya ito matapos ang labintatlong taong pagkakakulong, pinuntahan niya si May sa Maynila at nakakuha ng matinong trabaho.

Alamin ang buong kuwento mula kina Chris Tsuper at Nicole Hyala rito sa Mahiwagang Burnay.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.