Ang Little Princess ni Nanay – Mahiwagang Burnay

March 31, 2020

Noong bata pa tayo, lagi nating sinasabi sa mga magulang natin na iaahon natin ang pamilya sa hirap na dinadanas nito. Matayog ang pangarap, matayog ang mga aspirations sa buhay. Pero paano itutuloy ang pangarap kung wala na ang mga pinaglalaanan nito.

Wala naman problema kung tutuusin. Umiyak ka sa lungkot. Umiyak hangga’t gusto dahil nga wala na ang mga kasama mo sa buhay. Pero ang pangarap, dapat tuloy tuloy lang.

‘Yan ang ginawa ng ating letter sender. Lahat ng pangarap ng mga magulang niya para sa kanya ay tinupad niya. Malamang, kung nasa’n man sila ngayon, masaya sila.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.