Daddy – Mahiwagang Burnay

June 22, 2023

Bata pa lamang ang Tambalanista nating si Fe nang pumanaw ang tunay niyang ama. Gayunpaman, nagkaroon ng karelasyon ang ina niya na siyang tumayong ama sa kanilang limang magkakapatid.

Bagama’t binata ito ay buong-puso silang tinanggap na mag-iina at tinuring silang kadugo.  Nagsumikap ito para matugunan ang pangangailangan ng pamilya kahit pa maisantibi ang pangarap na pagpapakasal.

Ngayong dalawampu’t apat na taon nang nagsasama ang ina at ang amain niya ay hinihiling ni Fe na matuloy na ang pag-iisang dibdib ng mga ito at umaasang mabiyaan ng Mayet De La Rosa Fine Jewelry ng wedding ring.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.