Dose of my own medicine – Mahiwagang Burnay

August 31, 2022

 

Sumulat ang Tambalanista nating si Mia upang ibahagi ang kaniyang kwento at humingi na rin ng payo tungkol sa kaniyang problema sa pag-ibig.

Naging boyfriend ni Mia si Ed at tumagal sila ng two years pero sa katagalan eh na-fall out of love siya rito. Pinag-iisipan niya kung makikipaghiwalay ba siya rito pero nanghihinayang din siya dahil matagal din ang kanilang pinagsamahan.

Hindi nagtagal ay nakilala ni Mia si Rod, isa itong estudyante kagaya niya. Nagsimula ang kanilang pag-uusap nang i-add siya nito sa Facebook. Normal lamang na pag-uusap bilang magkaibigan ngunit sa tagal eh nagkaroon na ito ng malisya. Dahil dito, gusto nang ihinto ni Rod ang namamagitan sa kanila dahil may boyfriend pa nga si Mia. Sinubukan niyang umiwas pero nahulog na ang loob nila sa isa’t isa.

Para maging patas at maayos ang lahat, nakipaghiwalay si Mia kay Ed. Naging sila ni Rod at pinakilala niya ito sa kaniyang pamilya, kaso, hindi rin nagtagal ay nagbago ang pakikitungo sa kaniya nito. Nanlamig si Rod at gusto nitong mag-cool off muna sila.  Nang tanungin niya ito kung mahal pa ba siya nito ay sumagot ito ng “Nabawasan na.” Hinala ni Mia na dahil may nakilala na itong iba.

Hindi alam ni Mia kung bakit nahantong sa ganito ang kanilang relasyon hanggang ma-confirm niya na no’ng time na nag-cool off sila ay nakakausap na pala ni Rod ang kaniyang ex at isa pang babae.

Na-realize ni Mia na karma ang lahat ng nangyaring ito dahil sa minahal niya si Rod habang may relasyon pa sila ni Ed.

Ngayon, hindi na niya alam kung hihintayin pa ba niya itong tapusin ang kanilang relasyon o siya na lang ang tatapos dito. Iniisip din niya kung kailangan pa ba niya ng closure para lang makausad na sa kanyang buhay.

Ano kaya ang ipapayo sa kanya nina Nicole Hyala at Chris Tsuper?

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.