Hopeless Romantic – Mahiwagang Burnay

September 8, 2022

Sumulat ang Tambalanista nating si Andy para ibahagi ang kanyang heartbreak na pinagdaraanan ngayon.  

No’ng kailan lang, masayang nanoood si Andy ng paborito niyang KDrama. Kinikilig habang tumatawa sa mga eksena rito nang biglang pumasok ang pagkahaba-habang message ng ex-girlfriend niya. Habang binabasa niya ito bigla siyang napaisip, bakit kaya kapag nakikipaghiwalay eh ilalatag na lang lahat ng mga masasakit na salita na para bang wala kang nagawang mabuti sa kanya? Sinabi pa nito sa message niya kay Andy na sinubukan nitong balikan kung paano sila nagsimula subalit wala na talaga. Matagal nitong pinag-isipan bago ito nag-decide na makipaghiwalay na, wala eh, na-fall out of love na ito sa kanya.  

Napaisip nga si Andy, bakit kaya palagi siyang iniiwan? Boring, walang thrill, at masaydong mabait, ito ang mga dahilan ng kanyang mga naging ex-girlfriend kung bakit siya iniiwan. Gano’n pa man, hindi pa rin napapagod magmahal si Andy at naniniwala ito na may babae pa rin diyan ang tatanggap sa kanya’t mamahalin siya kung sino siya.  

Pakinggan natin ang talakayan nina Nicole Hyala at Chris Tsuper dito sa Mahiwagang Burnay.  

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.