Kapag iniwan, dapat bumangon! Walang inuman ng bleach

March 19, 2020

Ang sakit nga naman ng maiwan ng taong minahal mo at pinagkatiwalaan mo. Pero wala ng mas sasakit pa sa katotohanang iniwan ka niya sa gitna ng kahirapang nararanasan ninyo.

Ganyan ang naging experience ng letter sender sa kanyang asawa dahil sa mayroon na itong iba. Makalipas ang ilang panahon, tuluyan na itong hindi nagparamdam sa kanila. Grabe ang hirap na dinanas siya. Sa hirap na ito, minsan na niyang pinili ang tapusin ang buhay niya. Pero buti na lang, mas nakita niya ang pangangailangan ng mga anak niya.

Kapag iniwan ka, matuto kang bumangon. Kapag iniwan ka, isipin mo ‘yung mga iniwan sa’yo. Kailangan ka nila, ‘wag kang iinom ng bleach, okay?

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.