Karma – Mahiwagang Burnay

August 15, 2022

“Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo.” – Golden Rule.

Narito ang kwento ni Ashley, may asawa at dalawang anak sa lalaking nakilala niya sa isang dating app. Pinakasalan niya ito para makatakas sa tita niyang maldita. Buong akala niya na mayaman ang kaniyang pinakasalan subalit nadismaya siya nang malaman niyang hindi naman pala. Binigyan niya ito ng dalawang anak upang hindi siya iwanan nito at manatili pa rin sa Australia.

Dahil matanda na ang napangasawa ni Ashley, may mga bagay na hirap na itong maibigay at isa na nga rito ang pakikipagtalik.

Ito na nga ang dahilan para bumalik siya muli sa dating app. Dito, nakilala niya si Al, palaging may ganap sa tuwing nagkikita sila. Nahulog ang loob niya rito ngunit sex lang pala ang gusto sa kaniya nito.

Kaya naman sumulat ang Tambalanista nating si Ashley upang humingi ng payo kina Nicole Hyala at Chris Tsuper kung paano niya maiibsan ang sakit na nararamdaman niya sa lalaking ito na ginamit lamang siya pangtanggal kati.

palaging may hanap na ano?

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.