Kerubin sa Langit – Mahiwagang Burnay

November 18, 2022

Pangarap ng Tambalanista nating si Rachel ang maging Nanay.
Tatlong taon na siyang kasal noong una siyang mabuntis. Dinugo siya at nalamang walang heartbeat ang kaniyang baby. Wala siyang nagawa kundi iiyak sa Diyos ang sama ng loob niya.
Thirty-four years old naman siya nang magpaalaga  siya sa OB at nabuntis siya ulit. Pero makalipas ang dalawang linggo, nakaramdam siya ng pananakit ng tagiliran at napag-alamang mayroon siyag ectopic pregnancy.
Napagdesisyonan nilang mag–asawa na ipatanggal na ang baby sa sinapupunan niya. Sa ikalawang pagkakataon, nawalan na naman siya ng baby na pinangalanan niyang Elijah.
Paano kaya hinarap ni Rachel ang pagsubok na ito? Alamin ang sumunod na pangyayari mula kina Nicole Hyala at Chris Tsuper dito sa Mahiwagang Burnay.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.