Nagising akong may kaharap na demonyo

October 16, 2018

 

Mahilig ka ba sa mga horror movies, stories at kung ano-ano pang kababalaghan na talagang magbibigay ng kilabot sa iyong pakiramdam.

Ganito ang ating letter sender, pero nagsimula ang pagiging matatakutin niya noong maranasan niya itong kakaibang pangyayari sa kanyang buhay.

Isang gabi, nakita niya ang kanyang Ate na naglalakad na may dalang unan. Nainip siya sa pagbalik nito kaya natulog na lamang siya sa oras na iyon.

Nagising siya sa isang tinig, ang tinig ng kanyang Ate na ginigising siya upang utusang bumili. Binalewala niya iyon, pero pilit pa rin siyang ginigising nito hanggang sa nakaramdam siya ng kakaiba dahil sa paunti-unting paghina ng tinig.

Idinilat niya ang kanyang mga mata hanggang sa nakita niya na ang tinig na kanyang nadirinig ay nagmumula sa isang demonyo na nakaharap sa kanya.

Sumigaw ang demonyo ng napakatinis na tila’y nakakabingi… Nanlilisik ang mga mata nito na parang kakain ng tao…

Subaybayan ang nakakakilabot na istorya sa Kwento ng Mahiwagang Burnay.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.