Obsessed – Mahiwagang Burnay

August 3, 2023

Pagod at takot na ang Tambalanista nating si Megan sa pang-so-stalk kaniya ng newly hired employee na si Miko.
Bilang bahagi ng leadership and support team ng kanilang kompanya, siya ang nag-orient sa katrabaho. Gumawa raw ito ng issue para gamiting dahilan sa pakikipag-usap sa kaniya hanggang sa nag-send ito ng friend request sa kaniya sa Facebook at doon na nagsimulang mag-chat at tumawag nang walang pakundangan. Nagpadala pa umano ito ng bulaklak sa bahay niya kahit hindi naman niya nabanggit kung saan siya nakatira.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.