Pangarap na pag-ibig – Mahiwagang Burnay

May 30, 2023

Noon pa man ay crush na ng Tambalanista nating si Rhanee ang asawang si Justin, pero nauna na nitong sinabi na hindi ito ma-i-inlove sa isang kaibigan.

Fourth year college na sila noon nang tumakbo at manalong governor sa student government si Rhanee. Ginamit niya ang oportunidad na ito upang piliin si Justin bilang kaniyang auditor. Sinamantala niya rin ang pagkakataon para makatabi ito sa leadership training. Tagumpay naman ang plano ni Rhanee dahil na-develop ito sa kaniya hanggang sa maging sila.

Kasal na sila ngayon at biniyayaan ng isang anak. Samantala, nakatanggap naman ang asawa niya ng job offer sa U.K. Isang buwan makalipas ay nakasunod na rin silang mag-ina at nakahanap ng trabaho.

Alamin ang buong kuwento mula kina Chris Tsuper at Nicole Hyala rito sa Mahiwagang Burnay.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.