Sampid – Mahiwagang Burnay

August 24, 2022

Sumulat ang Tambalanista nating si Nikki para ibahagi ang kaniyang buhay bilang anak sa labas.

Si Nikki ay produkto ng isang maling pag-ibig. Ang nanay niya ay kabit na sumira sa isang maayos na pamilya. Mayroon siyang tatlong kapatid sa ama na halos kasing edad lamang ng kaniyang ina. 22 years ang age gap nito sa kaniyang ama at dahil bata pa ito, mas pinili nito na mamuhay bilang dalaga at iwanan silang mag-ama.

Kaya naman bumalik ang kaniyang ama sa una nitong asawa at tinanggap naman sila nito. Kahit pa man anak si Nikki sa labas ay minahal siya nito at trinato na parte ng kanilang pamilya.

Subalit, hindi siya tanggap ng kaniyang mga kapatid sa ama. Sinasaktan, kinukulong, at inaabuso siya ng mga ito na para bang kasalanan niyang nabuhay siya sa ganitong paraan.

Naranasan din ni Nikki maging usap-usapan sa kanilang family reunion at makarinig ng “siya ba ‘yung anak sa kabit?”

Sa hirap ng dinaranas ni Nikki, may magbabago pa ba sa ikot ng kaniyang buhay? Pakinggan ang buong kwento rito sa Mahiwagang Burnay.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.