Ang CUTE ng balot, JUTS and Teddy | Raqi’s SPG Secret Files

August 11, 2023

“Ang cute ng balot, juts and teddy.”

Hi, DJ Raqi! Share ko lang ang kakaiba at nakaka-shookt na karanasan ko no’ng isang linggo, araw ng Miyerkules. Itago mo ako sa pangalang Beshy. ’Yung uso ngayon, “Bakit malungkot ang beshy ko? Kasi walang ka-chat ang lola mo.” Ganern! By the way, avid fan mo ako, DJ Raqi. Lagi akong may load para lagi kitang napapanood sa Facebook LIVE. Nabubuo na ang araw ko ’pag nakita na kita sa Facebook. ’Di ka kasi nakakasawang panoorin, neks nemen, at ito ang aking SPG, as in Super Pak Ganern Secret Files.

So, ito na nga, sisimulan ko na ang aking kuwento. Nitong mga nakaraang linggo, may nakilala ako sa Messenger. Naka-lock ang profile niya kaya wala akong alam sa background niya. Halatang marami tinatago. Sus, ’wag ako! So, okay lang kasi ’di naman ako interesado talagang kilalanin siya kaya okay na kami sa chat box. Itago natin siya sa pangalang Teddy. Nakita ko lang sa Messenger na may nag-chat so, ako, no’ng una, deadma lang. Hindi kasi talaga ako mahilig makipag-chat, DJ Raqi, lalo na sa mga hindi ko naman kilala. Ayaw ko kasing nag-aaksaya ng panahon kaya wa pakels talaga ako sa mga utaw na walang ambag sa buhay ko. Ewan ko ba, tamad talaga akong kumilala ng mga utaw. 41 years old pa lang naman ako, may asim pa. Kili-kili ko lang ang walang asim, promise. Kahit magtira ka pa rito, wala kang maaamoy alimuom at walang amoy-mandirigma.

Anyway, naging magka-chat nga kami ni Teddy simula nang magkakilala kami sa Messenger. Nakakamiss din pala ang may ka-talking stage or should I say, na-miss kong kumerengkeng. Akala ko kasi, naubusan na ako ng landi sa katawan. Ihi na lang kasi ang nagpapakilig sa’kin. Maiba lang ba pakiramdam. Nakaka-stress din kasi ang puro trabaho tapos once a month lang ang day-off kaya nakaka-stress din ang walang ka-charot — chat with harot. Parang “hi, hello” lang kami no’ng una tapos ang tagal bago ko pa reply-an. Gano’n kasi ako ’pag ’di ako interesado unlike ’pag bet na bet ko, typing ka pa lang, type na kita. Charot with harot!

Fast forward, nagkataon no’ng araw na nag-chat si Teddy, wala akong masyadong ginagawa sa work. Actually, nakaabang ako sa programa mo no’n, DJ Raqi, kasi malapit nang mag-3 kaso, napasarap ang usapan namin ni Teddy dahil nagtanungan kami kung paano niya ako nakita sa social media at napa-message siya sa’kin. Hanggang sa oras na ng programa mo, magka-chat pa kami kaya sorry to say, ’di ako nakinig no’ng araw na ’yon. Sorry na! Labyu, Basa Princess. Bawi na lang sa next life.

Sundan ang kuwento ni Beshy dito sa Raqi’s SPG Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.