Back to the past | Raqi’s Secret Files

July 26, 2023

“Kung puwede lang ibalik ang oras na gusto niya akong balikan, eh, sana nga binigyan ko na ng tsansa.”

Malalaman mo raw ang tunay na halaga ng tao ’pag tuluyan na itong nawala, pero sa totoo lang, alam naman natin ’yung halaga, hindi lang natin akalaing magkakaroon sila ng lakas para kumawala.

Hi, DJ Raqi! Sana makita at mabasa mo rin po ang Secret File ko. Itago mo na lang ako sa pangalang Teres. Honestly, hindi ko po alam kung paano sisimulan ang sulat na ito at first time ko ring gawin. I just sent you a message through Messenger and you sent your email address. Lagi po akong nakikinig sa mga istoryang binabasa mo. Minsan natutuwa, minsan kinikilig, at minsan naman ay naiiyak. I am from Iloilo, but currently working here in Manila. Isang malungkot na hapon ang nag-udyok sa akin na i-share ang aking Secret File patungkol sa aking TOTGA — The One That Got Away.

Nakilala ko po siya noong college pa lamang ako, DJ Raqi. Itago natin siya sa pangalang Gelo. Nagkakilala kami sa church activities. That time kasi, lagi na akong sumasama sa kapatid at mama ko na magsimba until one day, I attended a church activity. It was a whole day activity at doon ko siya unang nakita at nakilala. DJ Raqi, sa unang araw pa lang na nagkakilala kami, ramdam ko na agad na may ibang kuryente ’to. Iba talaga ’yung naramdaman ko na para bang gusto kong mas makilala pa siya.

Siya ang unang lumapit at kumausap sa akin. Siguro, napansin niyang nasa gilid lang ako at medyo mahiyain. Ganiyan kasi ako kapag hindi ko pa gaanong kilala ang mga kasama ko. Noong natapos na nga ang araw na ’yon, umuwi akong masaya. Naikuwento ko agad ’yon sa ate ko. Hindi ko na po papahabain ang kuwento, he added me on Facebook. That time, may boyfriend pa ako, pero medyo malabo kami until we broke up. Sobrang sakit ng heartbreak na ’yon. Nasabi ko sa sarili ko, ayaw ko na muna pumasok sa relasyon. Panay post ko ng heartbreak quotes sa FB. I let myself heal.

Nasundan nang nasundan pa ang church activities na magkasama kami — meetings, youth camps, church anniversary. Mga gano’n, DJ Raqi. Nagkakausap naman kami, pero hindi gaano katagal. Naalala ko, one night, bored talaga ako, walang magawa, so, I posted something na trending that time. It was, “Heart my status and I will chat you.” Biglang isa siya sa mga nag-heart no’n. Honestly, DJ Raqi, noong nag-heart siya, kinilig ako ng sobra at siya na ’yung chinat ko. Hindi na ako nag-reply sa iba. Ang sama ko, ’no? At doon na nga nagsimula ang lahat.

Sundan ang kuwento ni Teres dito sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.