Ba’t kapangalan niya ang baby ko? | Raqi’s Secret Files

July 31, 2023

“Pangalan pala ng kabit ng mister ko ang ipinangalan niya sa baby namin.”

Itago mo ako sa pangalang Mary Jean, may tatlong anak, at hiwalay sa asawa. Hindi po kami kasal, pero parang ganoon na rin po kasi ten years kaming nagsama sa iisang bahay, namuhay nang matiwasay, at nagmahalan na akala ko ay pang-forever.

Sa sampung taon na ’yan ay minsan nag-aaway, pero kadalasan, masaya at nagmamahalan. Marami mang pagsubok na dumaan sa buhay namin, pero nalampasan namin ’yun kasi magkasama kami sa iisang bahay at mahal namin ang mga anak namin hanggang sa nabuntis ako sa pangatlo namin. Bago pa po ’yun, nasa siyudad kami noon nakatira dahil nandoon ’yung work niya, pero noong nagkasakit na ang mama ko, naisipan naming ibenta ’yung bahay at lupa namin at doon na manirahan sa probinsya. Dahil sa stress, nakalimutan kong uminom ng protection para hindi mabuntis, pero okay lang, masaya kasi madadagdagan na naman.

Fast forward tayo, naiwan ako sa lugar ng parents niya at bumalik siya roon sa pinagtatrabahuan niya. Kumbaga, long-distance relationship kami, pero two hours lang naman ang layo. Sa umpisa, ang saya. Minu-minuto, tawag siya nang tawag, naglalambing, nangungumusta, basta hindi ko maisip na mambababae siya kasi kahit tulog, tumatawag. Ang signal na lang ang umaayaw.

Fast forward tayo ulit, eight months na ang tiyan ko at ang due date ng panganganak ko ay dapat June 20, 2018, pero nag-labor ako ng June 2, 2018. Ito kasi ’yun — May 27, 2018, nalaman kong may babae ang asawa ko at nalaman ko sa kaibigan ng babae. Bading ang nagsabi sa akin at hindi niya alam na buntis ako, kaya noong nalaman ko ay agad kong kinumpirma sa asawa ko.

Sundan ang kuwento ni Mary Jean dito sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.