Change jowa | Raqi’s Secret Files

July 24, 2023

“Hindi ko na mahal ang boyfriend ko. May mahal na akong iba. Mayroon nga lang siyang girlfriend.”

Hello po, DJ Raqi! Wala po kasi akong mapagkuwentuhan ng sitwasyon ko ngayon kaya naisipan ko pong mag-message sa inyo and i-share ’tong kuwento ko.

Hindi ko na mahal ang boyfriend ko. Tawagin niyo na lang ako sa pangalang Chel, hindi ko tunay na pangalan. Mayroon akong boyfriend and six years na kami. Itago na lang natin siya sa pangalang Jay — sobrang bait, sweet, and sobrang mapagbigay. Lahat ng katangian na hahanapin mo nasa kaniya na, walang bisyo, at mapagmahal sa pamilya. Okay naman kami, mahal naman namin ang isa’t isa kaya umabot din kami ng anim na taon hanggang ngayon. Sabay kaming grumaduate ng college. After a few months, nagkaroon kami ng sariling trabaho, magkaibang company. Okay naman kami kahit hindi kami magkasama sa trabaho hanggang sa may nakilala ako sa trabaho.

Itago na lang natin siya sa pangalang Riko — mabait siya, masayang kausap, and gustong-gusto ko talaga sa ugali niya ’yung kapag nagkukuwento ka, tutok talaga siyang makinig sa’yo. Hindi naman kami close no’ng una, pero minsan, inaasar-asar niya ’ko na ikinatutuwa ko. Ewan ko, parang may kiliti akong nararamdaman tuwing nagkakausap o nagkakatinginan kami, at inaamin ko, naging crush ko talaga siya. Akala ko, simpleng crush lang kaya hinayaan kong makipag-usap at biruan pa rin sa kaniya, pero no’ng tumagal, na-realize ko na delikado. Baka ma-fall ako nang tuluyan so, sinubukan kong umiwas. Hindi ko siya kinausap or tinitingnan. Umiwas talaga ako, pero nagulat ako, biglang may nag-add sa’kin sa isang online game — si Riko pala.

Nagkakalaro kami paminsan-minsan and ’yon din ’yung ginawa naming communication kapag wala kami sa trabaho. Wala namang malisya no’ng una, usapang tropa lang talaga hanggang sa sobrang naging close na kami. Marami na kaming na-o-open sa isa’t isa tungkol sa buhay namin and nagkayayaan kami ng iba naming katrabaho na mag-inom sa bar. Sumama kami ni Riko and hindi alam ni Jay ’yon. Hindi ako nagsabi dahil alam kong magagalit ’yon dahil hindi siya mahilig sa mga inom and inaamin ko no’ng time na ’yon, sobrang saya ko kasi first time ko nakapunta sa bar and feeling ko, nakalaya ako, nakasubok ako ng ibang bagay.

Sundan ang kuwento ni Chel dito sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.